Sunshine Cruz defends stepson Diego Loyzaga from bashers

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Cruz on understanding stepson Diego Loyzaga's public rants against Cesar Montano: "Bugso ng damdamin 'yan, e. And maybe, yun lang ang pagkakataon para mapansin siya...Pero, whatever it is, I just hope that they will be able to forgive and resolve whatever problems they have."


Ikinagulat daw ni Sunshine Cruz ang paglabas ng sama ng loob ni Diego Loyzaga sa ama nitong si Cesar Montano, sa pamamagitan ng sunud-sunod na Instagram posts ng binata.

Ang boyfriend ni Sunshine na si Macky Mathay pa raw ang nagsabi sa kanya.

Si Sunshine ay estranged wife ni Cesar.

Si Diego ay anak ni Cesar sa ex-girlfriend na si Teresa Loyaga.

“I was surprised,” lahad ni Sunshine.

"May sakit ako kahapon, so nagna-nap ako. Paggising ko, may screenshot na at ang daming missed call from him.

“Tapos sabi niya, ‘Nakita mo?’ So, noong nakita ko nga, siyempre, it was a shock to me."

Ayon kay Sunshine, minsan na raw nagkakilala si Macky at ang stepson niyang si Diego sa isang restaurant sa Taguig City.

"They've met already. Si Macky, kasi, nagkita kami. Nag-Las Flores kami with him, Diego and kids.

“So, I think, they followed each other on Instagram already kaya niya nakita.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine pagkatapos ng presscon ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Wildlflower, na ginanap sa 9501 Restaurant, Quezon City, noong Miyerkules, February 8.

Dito ay hiningan ng reaksiyon ang Kapamilya actress tungkol sa hating reaksiyon ng publiko hinggil sa pinagdadaanan ni Diego.

Kasabay ng pagdagsa ng simpatiya sa binata mula sa netizens, mayroon ding tumuligsa rito at nagsabing hindi dapat ginamit ang social media para ipahayag ang damdamin niya sa ama.

Depensa ni Sunshine kay Diego: "Minsan kasi, oo, huwag mag-wash ng dirty linen sa public.

“Pero, bugso ng damdamin 'yan, e.

“And maybe, yun lang ang pagkakataon para mapansin siya.”

Mahirap daw humusga lalo’t problema ito sa pagitan lamang ng mag-ama.

Dugtong ni Sunshine, "Maybe, he's been trying his very best to reach out, pero hindi siya nadidinig.

“Maybe only… Mahirap kasing tumalon tayo sa kung ano ang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, whatever it is, I just hope that they will be able to forgive and resolve whatever problems they have."

Hiningan din ng komento si Sunshine kung bakit, base sa mga hinaing ni Diego, ay hindi naging maganda ang pagtrato rito ng amang si Cesar.

Habang ang Kapamilya actress ay bukas sa pagsasabing hindi na niya itinuring na iba ang binata, paiwas niyang sinagot, Dapat niyong tanungin si Diego at ang tatay tungkol diyan. Kasi, hindi ko alam 'yan.

"Basta ang sa akin, hangga't-maaari… E, kung si Teresa nga hindi nagsasalita. It's just between Diego and his father.”

Kung anu’t ano man, iginiit ni Sunshine na positibo ang relasyon niya sa stepson na si Diego at sa ina niyang si Teresa.

Sa katunayan, magka-Viber sina Sunshine at Teresa kahit noong namamalagi pa sa Australia ang huli.

Maging ang tatlong anak na babae ni Sunshine ay maganda raw ang samahan sa half-brother nilang si Diego.

Dugtong ni Sunshine, "Alam naman ni Teresa at Diego na ako at ang mga bata, nandito at nagmamahal naman sa kanila.

“Kasi, hindi ko rin naman trinatong parang iba si Diego. Para sa akin, parang anak ko na rin siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN