Dingdong Dantes confirms wife Marian Rivera's comeback in GMA primetime

IMAGE Noel Orsal / Instagram @therealmarian

"Kasi noong nagbubuntis pa lang siya, naalala niyo yung show niya, yung Rich Man's Daughter? Siyempre nabitin siya run. Pero sobrang kating-kati at eager na eager na siyang umarte," paglalarawan ni Dingdong Dantes sa misis niyang si Marian Rivera, na nakatakdang magbalik sa paggawa ng GMA primetime series ngayong taon.


Kinumpirma ni Dingdong na salitan sila ng misis na si Marian Rivera sa pagiging abala sa trabaho at sa pagsubaybay sa anak nilang si Maria Leticia na mas kilala bilang Baby Zia.

Kaugnay ito ng balitang malapit nang magbalik sa paggawa ng teleserye ang Kapuso Primetime Queen.

Samantala, malapit nang matapos ang pinagbibidahang teleserye Dingdong, ang Alyas Robinhood.

Paliwanag ni Dingdong, "Hangga't maaari, usapan namin kasi na ayaw namin na walang magulang na maiiwan kay Zia.

So, ngayong patapos na kami, last two weeks na kami, siya naman ang papalit."

Suportado raw ni Dingdong ang pagbabalik-teleserye ni Marian.

Kasabay ng pagiging hands-on mom nito, nananabik na daw ang Kapuso Primetime Queen na muling magtrabaho.

Sabi ni Dingdong, "Sobrang excited.

"Kasi noong nagbubuntis pa lang siya, naalala niyo yung show niya, yung Rich Man's Daughter? Siyempre, nabitin siya run.

“Sobrang kating-kati at eager na eager na siyang umarte."

Ang The Rich Man's Daughter ay ang 2015 GMA primetime soap na pinagbidahan nina Rhian Ramos at Glaiza De Castro.

Si Marian ang orihinal na napili para sa lead role na ginampanan ni Rhian, ngunit kinailangang tumigil sa paggawa ng teleserye ang una dahil sa maselang pagbubuntis nito noon.

Kung ang usapan nila ni Marian ay hindi sila magsasabay sa pagtanggap ng teleserye, ibig bang sabihin ay matatagalan pa bago sila muling magtambal sa isang primetime series?

Sagot ni Dingdong, “Parang hindi pa.”

Tanong ng PEP, kahit sa pelikula?

Sagot ulit niya, "Oo, e, medyo inaayos pa namin."

Huling nakatambal ni Dingdong si Marian sa Kapuso primetime soap na My Beloved noong 2012.

Nakausap si Dingdong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bago niyang programa, ang Case Solved, na ginanap sa 17th Floor ng GMA Network Center, noong February 7.

HANDS-ON PARENTS. Kuwento ni Dingdong, walang kapantay ang sayang dulot ang masaksihan ang paglaki ni Baby Zia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At mahalagang masubaybayan nila ang anak lalo ngayong mahigit isang taong gulang na ito.

Aniya, "Totoo yung sinasabi na huwag mong pakawalan yung nandoon ka. So, dapat, ma-witness mo lahat ng development.

"Ang dami! Nakakatuwa, kasi, nakikita mo ang lahat ng kakulitan, paano siya mag-mature."

Kasabay ng pag-aalaga niya kay Zia, mapapanood pa rin si Dingdong sa weekly crime docu-drama ng GMA na Case Solved, na magsisimulang umere sa Pebrero 18 pagkatapos ng Eat Bulaga!

Samantala, sinabi ng Kapuso actor na hindi pa sila makakapagbakasyon ni Marian bago ito sumabak muli sa taping ng teleserye nito.

Aniya, "Wala na rin oras, e, pagkatapos ko, meron na agad Case Solved. Tapos siya, meron na rin siya."

Matagal na kasi nilang planong dalhin si Baby Zia sa Spain kung saan naninirahan ang ama ni Marian.

Tuloy pa rin ba ito?

Sagot ni Dingdong, "Baka sa ibang buwan. Pero hindi ngayong February o March."

VALENTINE DATE. Sa Martes, Pebrero 14, ay Araw ng mga Puso. May plano na ba sila ni Marian kung paano ito ipagdiriwang?

"May last six taping days na lang kami sa Alyas Robin Hood. So, hindi ko alam kung tatamaan ang February 14, sana hindi," saad ni Dingdong.

"Kung hindi, habol na lang siguro kami pagkatapos. Mag-post celebration na lang kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN