Will Dingdong Dantes enter politics in 2019?

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes: "Sa tingin ko, yung entertainment business, in a way, is closely related to public service. Itong Case Solved, isang malaking hakbang 'yan para sa pagpasok sa larangan ng mas seryoso at mas hardcore na line of public service. Kung saan man mapupunta 'yan later on, hindi natin alam."

 


Angkop na angkop kay Dingdong Dantes ang bagong project niya sa GMA-7 bilang masugid niyang tinataguyod ang peace and justice sa bansa.

Ang tinaguriang Kapuso Primetime King ang host ng Case Solved, isang investigative documentary drama na tatalakay sa iba’t ibang klase ng krimen—kung bakit ito nangyayari, kung paano ito maiiwasan, at kung sa anong paraan ito naresolba.

Dahil sa show ay mas mamumulat pa si Dingdong sa crime cases ng bansa.

Kaugnay nito, bilang magulang rin na hangad lamang ay mailayo sa kapahamakan ang anak, gugustuhin ba niya na sa Pilipinas lumaki ang anak nila ni Marian Rivera na si Maria Letizia?

Tugon ni Dingdong, "May mga bagay kasi na beyond our control.

“Hindi naman talaga natin malalaman kung papaano natin haharapin, pero may mga bagay na within our control.

“Para sa akin, sa pagiging mabuting magulang sa kanya, as long as we set the right standard, yung tamang values sa kanya.

“Ma-e-equip at ma-e-empower mo siyang makipagsapalaran sa mundo, 'di ba?

"So, first things first. Kailangan yun ang unahin, maging mabuting magulang sa kanya."

Nakausap ng (PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa ginanap na presscon ng Case Solved sa GMA-7 noong February 7.

MULTIPLE EFFORTS. Kanilang sa krimeng nagaganap sa bansa ay mga patayan kaugnay sa pagpuksa ng illegal drugs.

Bilang dating chairman siya ng National Youth Commission, bukod sa pagiging concerned citizen, ano ang masasabi niya sa sinasabing extrajudicial killings?

Lahad niya, “Siguro, lahat naman tayo agree na walang lugar ang droga para rito dahil nakakasira siya ng buhay.

“Bukod sa efforts na ginagawa ng gobyerno, malaking bagay yung partisipasyon na ginagawa ng mamamayan.

"So, hindi lang siya natatapos sa may tokhang man, may tatapusin man yung operation.

“Ano yun e patuloy talaga ang pagiging involved natin, especially as parent.

“Nagsisimula sa tahanan 'yan e kung paano natin palalakihin ang mga kabataan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's why, mahalagang ma-equip natin sila ng tamang impormasyon, tamang ginagawa.

“Bakit ginagawa? Para ma-prevent kung anuman ang hindi natin gustong gawin nila in the future.

"It's really a combination of multiple efforts, hindi lang ng gobyerno.

“Pati na rin nating mga mamamayan and, of course, lalong-lalo na as parents."

Sinasang-ayunan niya ang paraan ng pag-eliminate ng droga sa bansa? yung may patayan?

"Siyempre ako, yung respeto ko sa humanity is ultimate.

“Para sa akin, kailangan nating gawin ang parte natin.

“Kailangan nating gawin ang parte natin imbes na magturo tayo ng mga daliri.

"At the end of the day, respect for humanity, and let's do our part."

OPEN TO POLITICS? Madalas na natatanong si Dingdong sa posibilidad ng pagpasok niya ng pulitika.

Ang bago nga niyang programa ay tila may koneksiyon sa ginagawa ng isang public servant.

Sabi naman niya, "Sa tingin ko, yung entertainment business, in a way, is closely related to public service.

“And, siguro, as nagma-mature rin ako, yung mga opportunities, mas nagiging mas seryoso.

“Itong Case Solved, because of the nature of the show, isang malaking hakbang 'yan para sa pagpasok sa larangan ng mas seryoso at mas hardcore na line of public service.

"Siguro, the fact na tinanggap ko 'to, mas open na 'kong gumawa ng mga ganitong bagay.

“Iba na rin yung circumstances ngayon, magulang na rin ako, at na-expose na rin ako sa maraming bagay.

"Gusto lang natin na may maibahagi sa kung ano ang maitutulong natin sa ating mga viewers at sa ating mga mamamayan."

Walang tiyak na sagot si Dingdong kung sa 2019 election ba ay posibleng pasukin niya ang mundo ng pulitika.

Aniya, "Para sa akin mahalaga palagi ang kontribusyon ng bawat isa sa nation-building.

“Regardless of magnitude of how big and how small, kailangang maging bahagi ka sa pag-contribute.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, to be a responsible citizen, halimbawa, para sa akin, ang pagiging isang actor at pagiging host ng isang klase ng show na katulad nito, it's already a part of it.

"Kung saan man mapupunta 'yan later on, hindi natin alam.

“Basta ako, nandito ang dedication ko in this line of showbiz."

Ibig sabihin ba nito ay hindi niya sinasara ang posibilidad na pasukin niya ang pulitika?

"Hindi siya case closed," nakangiting sagot naman ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN