Solenn Heussaff says she has no sway over Lovi Poe's love life

IMAGE Noel Orsal / Instagram @poevirginia

Solenn Heussaff on Lovi Poe's growing romance with French guy Chris Johnson: "Hindi dahil foreigner masaya ako para sa kanya… Kasi siyempre, masaya lang ako kasi masaya si Lovi at mabait yung guy."


Pinabulaanan ni Soleen Heussaff na may kinalaman siya sa diumano ay karelasyon ngayon na foreigner ng kaibigan niya na si Lovi Poe.

Nagkataon lang daw na karamihan sa malalapit niyang mga kaibigan—katulad nina Isabelle Daza at Georgina Wilson—ay foreigner ang napapangasawa.

Paglilinaw ni Solenn, “Kahit kami ng friends ko, lahat nagtatanong, ‘Bakit lahat kayo foreigners yung trip ninyo?’

“Hindi naman. You don’t choose whom you fall in love with.

“So, kung Pinoy siya or or French or African, kung yun yung para sa iyo, yun talaga ang magiging love mo.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa presscon ng bagong variety show ng Kapuso network, ang Full House Tonight.

Ginanap ang event sa GMA Network Center sa Quezon City noong Martes, Pebrero 7.

HOW DID LOVI MEET CHRIS? Ang French guy na si Chris Johnson ang napapabalitang nobyo ni Lovi ngayon.

Ayon kay Solenn, hindi siya ang naging daan upang magkakilala sina Lovi at Chris.

Aniya, “I met Chris through Lovi talaga. Hindi ko siya kilala.”

Maging ang mister ni Solenn na si Nico Bolzico ay hindi rin dating kakilala ni Chris.

“Ngayon lang sila naging friends,” paglilinaw ni Solenn.

Natutuwa raw si Solenn na makitang masaya si Lovi sa piling ni Chris.

“Hindi dahil foreigner masaya ako para sa kanya… Kasi siyempre, masaya lang ako kasi masaya si Lovi at mabait yung guy.”

May 27, 2016 nang unang magbahagi si Lovi ng larawan kasama si Chris sa Saint Tropez, France.

Ito ang panahong nagbakasyon si Lovi pagkatapos dumalo ng kasal ng mag-asawang Solenn at Nico Bolzico.

Hindi man diretsahang kinukumpirma ni Lovi na nobyo na niya si Chris, kapansin-pansing napapadalas ang pagbabahagi ng una ng sweet photos nila sa Instagram.

Noong December 2016, ang tanging inamin ni Lovi ay “more than friends” ang estado ng relasyon nila ni Chris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN