Solenn Heussaff postpones baby plans

IMAGE Noel Orsal

Solenn Heussaff is happily married to Nico Bolzico and she's confident they will never separate. She says, "We got married kasi we know we want to be together but, of course, you can't plan life. It's nice to be prepared, it's nice to be level-headed. Pero hindi mangyayari yun."


Ipinagpaliban muna ni Solenn Heusaff ang planong pagbubuntis ngayong taon dahil sa pagpasok ng bago niyang project sa GMA-7, ang comedy-gag-musical variety show na Full House Tonite.

Pagkumpirma ng Kapuso star, “Not this year, maybe next, 2018.”

Napag-usapan naman daw nina Solenn at ng mister niyang si Nico Bolzico ang desisyon niya.

“Oo, magti-32 na ako this year so, siyempre…” paliwanag ni Solenn, “right away, yeah, mga 2018.

“Ako, gusto nasa schedule lahat, I’m a planner talaga and susundan ko talaga yung plan.

“Ayaw ko ng surprise.”

Paliwanag niya, “Parang if I wanna try, I’ll just do it all in one.

“Ayokong magpa-check up ngayon ’tapos mai-stress ako na hindi ako mabubuntis.

“Ayokong ma-stress, stressed na yung katawan ko.”

May mga foreigners na wala sa priority nila ang pagkakaroon ng anak, pero si Nico ay handa raw maging ama.

Komento ni Solenn, “Well, para sa future, the reason you get married, gusto mo may family in the future.

“It’s in the plans talaga since long time ago.

“Pag ready kaming dalawa, gagawin na lang namin.”


NICO’S TRIP. Mula nang ikasal sina Solenn nung nakaraang taon, wala raw nabago sa kanilang pagsasama.

“The same pa rin, wala namang naiba.

“Bago kami ikinasal live-in na for five years, so wala talagang nagbago.”

Nabansagang "WifeZilla" si Solenn base na rin sa ikinabit na hastag ng kanyang mister sa Instagram.

Compilation ito ng ilang videos ng unguarded moments nilang mag-asawa na karamihan ay kay Solenn nakatutok ang camera..

Kinukunan mismo ni Nico ang asawa habang nagsasayaw, tuwing gugulatin niya ito, at iba pang mga kuwelang reaksyon ng actress-singer.

Nangingiting reaksyon ni Solenn , “Hindi ko alam kay Nico, okey lang naman, gano'n talaga ako sa bahay.

“Hindi ko alam, nag-post siya one time sa Instagram ’tapos nag-five hundred thousand views kaagad sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit ako, wala akong views na gano'n sa videos sa Instagram.

“Trip niya, since we don’t see each other much, trip niya yun, na magpu-post siya para mang-asar.”

Tanong namin, hindi ba naman niya inaander ang asawa?

“A, hindi naman," sagot ni Solenn.

Pero patuloy ng Filipina-French actress, may takot din naman daw si Nico sa kanya, kahit paano.

“Takot siya, alam niya naman na I wear the pants in the relationship,” sabay halakhak ni Solenn sa biro niya.

Ikinasal sina Solenn at Nico sa Combourg, France, at nalalapit na nga ang first wedding anniversary nila ngayong May.

Wala pa raw silang plano na magpakasal sa Pilipinas.

Sabi ni Solenn, “Gagawin ko na lang yan pag may anak na ako kasi mahirap sa papers.

“Kailangan kong palit lahat… bangko, passport, French passport, Filipino passport. Lahat.

“Stressful ‘yan, ayoko pang i-change dahil hindi pa kailangan.

“Wala namang mangyayari na mas maganda sa kanya kung married ako, may passport or not.”


NO TO PRENUP. Hindi naman itinago ni Solenn sa media ang hindi nila pagpirma ni Nico sa isang pre-nuptial agreement bago sila ikasal nito nung nakaraang taon.

Ang prenup ay isang legal contract na usapan ng couple bago sila magpakasal.

Ito ay para maprotektahan ang kani-kanilang mga naipundar na sarili-sariling ari-arian bago sila ikasal at sa panahong nagsasama bilang mag-asawa.

Komento ni Solenn, “First of all, okey lang sa akin kung gusto niya, gagawin ko.

“We just really didn’t talk about it, we just got married.

“Kung may mangyayari in the future na hindi maganda at maghihiwalay kami…

“Hindi ako yung type ng babae na I want everything you own, hindi ako gano'n.

“So kahit bad ang ginawa niya o bad ang ginawa ko, we’re not the type to try to squeeze everything out of a person.

“We weren’t raised that way… For me, what’s in his bank account is his.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What is in mine is mine. We’re very modern.

“Hindi kami seloso, hindi kami nag-aaway, parang friends lang talaga.

“Kung may mangyayari in the future, 'ayun, hindi naman kailangan ng prenup.”

Wala naman daw dahilan para isipin ni Solenn na magkakahiwalay sila ni Nico dahil sa infidelity o third party.

Saad niya, “We got married kasi we know we want to be together but, of course, you can’t plan life.

“It’s nice to be prepared, it’s nice to be level-headed. Pero hindi mangyayari yun.”


HOBBY. Gumagawa ng ingay si Solenn ngayon bilang painter dahil sa mga tema at obrang ginawa niya.

Sa obserbasyon ng marami, sa paglakad ng panahon ay posibleng umabot sa napakalaking halaga ang value ng mga gawa ni Solenn.

Nakangiting iling ng aktres, “But my painting, it’s really more of a hobby talaga.

“Yung first exhibit ko was for fun, ngayon, I’m working on my second exhibit.

“Pero tignan natin, hindi naman ako si Ben Cab, hindi naman ako national artist.

“Yung paintings ko it’s more of a hobby lang talaga.”

Ang tinutukoy niya ay ang National Artist for Visual Arts na si Ben Cabrera.

Samantala, bida si Regine Velasquez-Alcasid sa teleseryeng gagawin ni Solenn na Full House Tonite.

Kasama rin dito si Joross Gamboa, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Phillip Lazaro at ang mga newbie comedians na sina Terry Gian, Kim Idol, Nar Cabico, Tammy Brown at Sarah Pagcaliwagan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN