Aiko Melendez on ex-husband Jomari Yllana: "Hindi ako gusto ng girlfriend niya!"

IMAGE Noel Orsal

Aiko Melendez on platonic relationship with ex-husband Jomari Yllana: "Sa lahat-lahat, ako ang dapat hindi pagselosan. Kaya nga, di ba, yung mga exes ni Jomari nagiging close friend ko. Kasi sa akin, wala na, naka-move on na."

 


Ibinunyag ni Aiko Melendez na ilang buwan na silang hindi nag-uusap ng ex-husband niyang si Jomari Yllana dahil sa girlfriend nito ngayon.


Pag-amin ni Aiko, “Hindi ako gusto ng girlfriend niya!

“Hindi ko alam, hindi nila ako type. So, after the elections, bye!”

Imbis na mainis, kapansing-pansing tinatawanan na lang ni Aiko ang sitwasyon.

Komento ng beteranang aktres, “I don’t know… Maybe because hindi lang alam noong girlfriend niya kung gaano ako kabait.

“Diyos ko! Sa lahat-lahat, ako ang dapat hindi pagselosan.

“Kaya nga, di ba, yung mga exes ni Jomari nagiging close friend ko. Kasi sa akin, wala na, naka-move on na.”

Ayaw nang magdetalye ni Aiko kung paano niya nalaman na hindi siya gusto ng girlfriend ni Jomari.

Pero may hinala raw siya na posibleng pinagseselosan siya nito.

Paliwanag ni Aiko, “Alam mo naman yun, na kapag ex-wife ka, nakagawian na sa culture natin na, ‘Uy, puwedeng magkabalikan.’ Pinoy culture ‘yan, e.

“Siguro nasa isip at puso niya na, ‘Ay, si Aiko, single, so may chance na magkabalikan.”

Agad ding nilinaw ni Aiko na walang dahilan para pagselosan siya ng girlfriend ni Jomari.

Aniya, “I-scratch out nila yun sa akin.”

Tingin ba ni Aiko ay pumapanig si Jomari sa girlfriend nito?

“Mahal niya e.” kibit-balikat ni Aiko. “Kaya nga nirerespeto ko na kung sa tingin nila, hindi nila ako kailangan ngayon, e di okey.

“But sana huwag nila akong i-judge, kasi, you know, I will always be there, whether they like it or not.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko pagkatapos ng presscon ng Wildflower, ang bagong ABS-CBN teleseryeng pagbibidahan ni Maja Salvador.

Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN noong Miyerkules, Pebrero 8.

CO-PARENTING WITH JOMARI. Si Aiko at Jomari ay mayroong 18-taon gulang na anak, si Andrei Yllana.

Noon pa man ay napagkasunduan na raw nila ng ex-husband na mananatili silang magkaibigan para sa kapakanan ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Friend ko si Jomari, kasi, I’d like to hold on to what we’ve talked about before na may dumating mang sampung sibat, hindi ako mawawala sa buhay niya.

“At si Jomari hindi rin mawawala sa buhay ko kasi may anak kami, e.

“At lagi ko namang ina-ano na hindi naman ito para sa akin, kundi para sa ikabubuti ng anak namin.”

Umaasa si Aiko na ang unusual set-up nila ni Jomari ay matanggap ng sinumang makakarelasyon nito.

“Sana rin, sa lahat ng mga darating na makakarelasyon pa ni Jom, I’m hoping and I’m praying that she’s the one.

“Sana matanggap nila na ako, nandito para sa anak kong si Andrei, hindi para kay Jom.”

May mensahe si Aiko sa di niya pinangalanang girlfriend ni Jomari.

Aniya, “She has to be nice. She has no choice. Really, she has to be nice, at least to my son.

“I think she’s trying. I hope it’s genuine because my son is lovable.

"Not because he’s my son, but you know, I think I’ve raised a good son in Andrei. Mabait na bata si Andrei.”

Bilib daw si Aiko kung paano hina-handle ng anak ang sitwasyon ng kanilang pamilya.

“Kahit gaano pa kasakit sa kanya ang sitwasyon at pangyayari, kinikimkim niya lahat para lang mapasaya ang magulang niya.

“I think, you know, my son wouldn’t be a hard person to please.”

Tanggap ba ni Andrei ang girlfriend ng ama nito?

Sagot ni Aiko, “Oo, yung mga nakapaligid lang sa amin ang hindi tanggap. Kasi nga, paulit-ulit, iniisip nila na magkakabalikan pa kami ni Jom.”

Sa puntong ito, nagpahaging si Aiko ng hinaing sa ex-husband.

Sabi ni Aiko: “At this point in time, lalo na yung nangyari ngayon, na-realize ko na, ‘A, ganun pala yun… One day, puwede palang magbago ang ihip ng hangin. Puwede ka palang ma-itsa-puwera.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, ayaw kong isipin... Nung panahon na kailangan ako ni Jom, I was there for him.

“Sana naman the least he could do is defend me also na hindi ganun si Aiko, di ba?

“Lahat naman nang hinihingi ko at ginagawa ko para kay Andrei, hindi para sa akin. Hindi ko game ‘yan.”

Iginiit din ni Aiko na hindi niya kailanman ipinagkait si Andrei kay Jomari.

Maging ang anak ni Aiko sa ex-husband niyang si Martin Jickain na si Marthena ay malayang nakakasama ng ama nito.

“Hello? Mas gusto ko pa nga na mas dalawin nila yung mga anak nila.

“You know with Martin, wala akong problema.

“Si Marthena is welcome to stay with them… Sa Boracay pa ‘yan.

“Because I would want to oblige them pa nga, e. Sorry for the term, ha?

“Dapat nga hindi nga obligatory, di ba? Kusa. Pero wala akong problema kay Martin.

“With Jom he’s fine, in fairness.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN