Regine Velasquez recalls watching Vice Ganda impersonate her in comedy bars

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez proudly calls herself "babaeng bakla."


Aminado si Regine Velasquez na isa siyang “babaeng bakla," kaya naman itinuturing siya bilang gay icon ng kanyang masugid na tagahanga.

Sabi ng Asia’s Songbird, "Hindi ko alam…Ang naka-discover, I think, yung mga bakla rin.

“Basta kapag nagku-concert ako, alam ko lang na maraming bakla, maraming nag-i-impersonate.”

Tandang-tanda raw ni Regine kung paano siya gayahin nina Vice Ganda at Anton Diva noong panahong nagtatrabaho ang mga ito sa comedy bars.

Balik-tanaw niya, “I went to Library to watch Anton Diva, I was very impressed.

"She sounded like me...Pati mga nuances ko. Bata pa siya nun, e.

“Pati si Vice nun, bata sila ni Vice, kung saan-saan ko sila nakikita, nag-guest pa 'ko sa concert nila.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa presscon ng bagong musical variety show ng GMA na Full House Tonight.

GAY COMPANY. Bilib daw si Regine sa sipag at sa sayang dulot ng pakikipagtrabaho sa mga bakla tulad ng mga kasamahan niya sa Full House Tonight na sina Kim Idol, Sarah Brakensiek, Tammy Brown, at Terry Gian.

Aniya, "Basta ako, I'm happy working with these guys.

"And gusto ko kasi kapag nagtatrabaho ako, tawa lang ako nang tawa, di ba?

"Ayaw mo naman yung magtrabaho ka nang busangot ka palagi.”

Sang-ayon ba siya na mas masarap kasama at iwas-intriga ang mga bading kaysa sa mga babae?

Sagot ni Regine, "Depende naman dun sa mga kaibigan mo, siyempre.

"I have a lot of gay friends, and I have a lot of girl friends.

“Kapag totoo mo namang kaibigan, wala namang intrigahan. Pareho lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN