PEP Feb-ibig: Former celebrity couples who remain friends

IMAGE Instagram / Bida Kapamilya Blogspot (John Lloyd, Angelica)

These former showbiz couples are living proof that friendship is possible after a breakup: (L-R) Kris Aquino and ex-husband James Yap, Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz, and former couple Jomari Yllana and Aiko Melendez. 


Madalas sabihin ng mga artista na maliit lang ang mundo ng showbiz, kaya walang permanenteng kaibigan o kaaway.

Kaya naman kahit ang mga dating magkasintahan ay nagiging magkaibigan din kalaunan, kahit na mahirap at masakit ang kanilang pinagdaanan nang maghiwalay.

Narito ang ilan sa mga artista o personalidad na nagkarelasyon, nagkahiwalay, at naging magkaibigan.

JOHN LLOYD CRUZ & ANGELICA PANGANIBAN

January 2016 nang kumpirmahin ni John Lloyd Cruz ang bali-balitang paghihiwalay nila ni Angelica Panganiban pagkatapos ng apat na taon nilang relasyon.

Kasunod nito ang samu't saring espekulasyon na magkakabalikan ang dalawang Kapamilya stars.

Pero isa lang ang tiyak: nananatili ang kanilang pagkakaibigan.

Kumpirmasyon ni John Lloyd, “If anything, siyempre we don’t want to lose the friendship.

"Si Angelica has been my best friend, and I think she will remain my best friend for life.

"Walang makakapagpabago noon."


KRIS AQUINO & JAMES YAP

Nasubaybayan sa showbiz kung paano nabuo at nauwi sa kasalan ang buhay nina Kris Aquino at James Yap.

Naging malaking balita rin ang kumpirmasyon ng kanilang paghihiwalay.

Ikinasal sila noong 2005 at naghiwalay sila noong 2010.

Single ngayon si Kris, samantalang karelasyon ni James ang Italian na si Michela Cazzola.

Sinikap nina Kris at James na maging magkaibigan para sa kapakanan ng kanilang nine-year-old son na si Bimby.

Status nga ni Kris sa kanyang Instagram noong December 2016: “Being friends with ex shows you two are mature enough to get over the fact that you weren't meant together.”

Nabuo rin ang pagkakaibigan sa pagitan nina Kris at partner ni James na si Michela.

Tinukoy nga rin ni Kris si Michela sa kanyang post: “Believe me, it's possible to really move on enough to reach the point when you're happy your ex husband is in a good place w/ a good woman whom you can consider a friend.”

For the LOVE of Bimb. Thank you James & thank you @praybeytbenjamin ??

A photo posted by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on

JODI STA. MARIA & PAMPI LACSON

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami rin ang pumupuri sa pagkakaibigan ng estranged couple na sina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson, anak ni Senator Panfilo Lacson.

Nito lamang December 2017, makikita na magkasama ang dalawa sa mga larawang ipinost ni Pampi, kasama ang kanilang 11-anyos na anak na si Thirdy.

Kasama Rin nila sa larawan ang dating aktres na si Iwa Moto, kasalukuyang partner ni Pampi.

December din nang mag-post ng larawan si Jodi kasama ang babysitter ng tatlong-taong gulang na anak nina Pampi at Iwa na si Mimi.

Bahagi ng caption ni Jodi sa Instagram: “Thank You Lord for Your grace. You restore what's broken and make all things new. With You, nothing is impossible.”

Ikinasal sina Jodi at Pampi noong 2005 at lumabas ang mga bali-balitang paghihiwalay nila noong 2010.

AIKO MELENDEZ & JOMARI YLLANA

Matagal nang hiwalay at annulled na rin ang kasal nina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Ikinasal sila noong 2000 at naghiwalay noong 2003. Mayroon silang isang anak, si Andre, 17.

Sa interview ni Aiko noong March 2016, sinabi nitong hindi lang sila magkaibigan ni Jomari. May kasunduan din sila.

“Ang usapan namin, when I reach 40 [years old], if we’re both single… pero since 40 na ako ngayon, puwedeng i-adjust natin ngayon, three years pa.

“Like I’ve said, I have so many things to do and fix pa, so I’ve adjusted it to three more years. 

“Kung okey pa, e, di kami na lang uli.”

Yes im more excited than my son whahahahahahah :) with @jomariyllana @andreyllana #colfgraduation #clubfilipino

A photo posted by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on

VICKI BELO & ATOM HENARES

Noong Bagong Taon, maraming netizens ang pumuri sa magandang relasyon nina Dra. Vicki Belo at sa dating asawa nitong si Atom Henares.

Sa isang Instagram post, makikita na magkakasama sina Vicki at Atom, kasama ang kanilang mga anak na sina Quark at Cristalle.

Kasama rin sa larawan ang boyfriend ng doktora na si Hayden Kho.

OGIE ALCASID & MICHELLE VAN EIMEREN

Kapuri-puri rin ang pagkakaibigang nabuo sa pagitan ng dating mag-asawang sina Ogie Alcasid at Australian beauty queen Michelle van Eimeren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Leila (19) at Sarah (16).

Ang asawa ngayon ni Ogie ay si Regine Velasquez at mayroon silang anak, si Nate.

May bagong asawa na rin si Michelle, si Mark Morrow, at naninirahan sila sa Australia.

Ang nakamamangha pa rito, magkaibigan din sina Regine at Michelle at vocal ang pagsasabi ang dalawa na mahal nila ang isa't isa bilang magkaibigan.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN