Ynna Asistio reveals dad Boy Asistio may have had premonition of own death

by Rachelle Siazon
Feb 11, 2017
Ynna Asistio says her dad equally loved his 25 children.

Halu-halong emosyon ang nararamdaman ni Ynna Asistio sa pagpanaw ng kanyang ama na si Macario "Boy" Asistio.

Bungad ni Ynna, “Actually, ako, parang hindi pa nagsi-sink in. At the same time, nararamdaman ko pinadali niya.

“Kasi yung five days niya sa ICU, feeling ko hinintay lang niya na maging ready kami hanggang mag-let go siya.”

Bagamat tatlong taon nang may sakit ang 80-year-old politician, nabigla pa rin daw si Ynna at ang mga kapatid niya nang isinugod sa ospital ang kanilang ama dahil sa cardiac arrest noong Pebrero 1.

Labas-pasok na rin sa ospital ang dating alkalde, pero nakakapagbiro pa rin daw ito.

Dugtong ng nakababatang kapatid ni Ynna na si Alyana: “Kaya nung last time niya na-ospital, first time ko kinabahan kasi hindi na siya nag-joke.

“Never siya nagwala kapag may masakit sa kanya. That time talaga, sumisigaw siya.

"Naka-ganun siya sa cart 'tapos sumisigaw siya, ‘Ang sakit!'”

Na-comatose ang dating alkalde ng ilang araw bago ito binawian ng buhay noong Pebrero 6.

Sina Ynna, 25, at Alyana, 22, ay dalawa sa walong anak ng aktres na si Nadia Montenegro at Boy.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PREMONITION OF DEATH? Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Ynna at Alyana sa burol ng kanilang ama sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City, noong Pebrero 8.

Dito ay ikinuwento ng magkapatid na tila mayroon nang promonisyon ang ama na hindi na magtatagal ang buhay nito.

Ito ay sa kadahilanang napadalas daw ang pagdinig nito ng musikang siya lamang ang nakakarinig.

Lahad ni Ynna, “Nung night kasi before siya na-ICU, late kami umuwi, kasi medyo busy kami ni Mama lately.

“Umuwi kami mga 2:30 a.m. Nag-spend time pa kami with him.

“Kinakantahan niya kami kasi nag-hallucinate siya, e.”

Mayroon daw kinakanta ang ama na may lyrics na, “Come, I’ll see you soon. 'Tapos siya lang ang nakakarinig. 'Tapos umakyat na ako ng kuwarto.

“Tumawag siya ulit, ‘’Nak, ‘Nak, baba ka ulit. Kantahan lang kita, one minute lang.’

“'Tapos bumaba ako, tapos kinanta niya lang ulit yung song.

“Kinakabahan ako kasi yung song nga, ‘I’ll see you soon,’ puro ganun. 'Tapos si God daw yung nagpaparinig sa kanya ng song.”

Hindi raw iyon ang unang pagkakataong may ganoong karanasan ang ama.

Ang kuwento naman ni Alyana, “Masaya kami dahil alam naming sa heaven siya pupunta. Recently. puro God naririnig niya, heaven, choir…Nakakarinig siya ng mga ganung music.”


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DADDY'S GIRLS. Hindi man madali para sa kanila ang pagkawala ng dating alkalde, gumagaan daw ang loob nila sa kapag naiisip nilang puno ng pagmamahal ang ama noong nabubuhay pa ito.

Bukod sa kanilang walong magkakapatid, mayroon pa silang 17 na kapatid sa ibang ina.

Pero aminadong lumaking Daddy's girls daw sina Ynna at Alyana.

Katunayan, ang term of endearment ni Boy kay Ynna ay “Out” at kay Alyanna naman ay “Pretty.”

Sabi ni Ynna, “Alam mo yung kung paano siya magmahal? Equal e twenty five kaming magkakapatid. Lahat alam namin na, alam mo yun…"

Dugtong ni Alyana, “Imposibleng hindi ka mapamahal sa kanya kasi iba talaga siya magmahal sa mga anak niya.”

Tanong ng PEP, hindi ba naging isyu ang unconventional family set-up nila?

“Kasi never niyang tinago sa amin. Bata pa lang kami, inano niya kami na, ‘May mga kapatid kayo...’

“At saka, ang dami pong mga kaibigan niya na hanggang ngayon, ‘Hindi ko alam kung paano nagawa ni Mayor yun na napagsasama niya kayo sa isang event.’”

Kapag birthday daw kasi ni Boy ay kasama nilang nagdiriwang ang kanilang half-siblings at pati na rin ang former partner nito.

Masayang balik-tanaw ni Alyana, “Nagdu-duet pa. Kumakanta pa sila. Lahat sila nagugulat.

“Kasi nga, sabi namin, hindi niya itinago sa amin. Hindi siya nagsinungaling sa amin.

“Siguro nung mga una... Pero nung times na kailangan niya siguro aminin sa aming lahat, hindi niya itinago.

“Hindi siya naging madamot. Kahit na may time siya sa amin, may time siya sa mga kapatid namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naming naramdaman na nagkulang siya sa oras para sa amin.”

Kahit noong maayos pa ang kondisyon ng ama, madalas silang pinaaalalahanan nito na huwag silang mag-aaway na magkakapatid.


Read Next
Read More Stories About
Boy Asistio, Alyana Asistio
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ynna Asistio says her dad equally loved his 25 children.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results