Cesar Montano is just concerned with Diego Loyzaga, says Dolly Anne Carvajal

IMAGE Instagram account of Cesar Montano and Diego Loyzaga

Cesar Montano called up entertainment columnist Dolly Ann Carvajal to explain that he is just concerned about his son Diego Loyzaga.


Nakausap daw ng kolumnista na si Dolly Anne Carvajal si Cesar Montano, kaugnay ng paglalabas ng sama ng loob ng anak ng huli na si Diego Loyzaga sa social media.

Ibinahagi ito ni Dolly Anne sa column niya sa Inquirer.NET na “Dollywood” ngayong umaga, February 11.

Sabi ni Dolly Anne, concerned lamang daw si Cesar sa kanyang anak.

Ayon sa kanya, tinawagan daw siya ni Cesar subalit hindi na niya ikinuwento ang kabuuan ng napag-usapan nila.

Sabi lang ni Dolly Anne sa kanyang column tungkol sa kanilang napag-usapan, “Suffice it to say that no matter what Diego wants to believe, his dad is just concerned and worried about him.”

Pagbabahagi pa raw ni Cesar kay Dolly Anne, “Even if my late dad never pampered me and didn’t buy me material gifts because we were poor, I am still thankful to him.

“I never lambasted him for the tough life we had. Our struggles made me learn the value of hard work.”

Saad pa ni Dolly Anne, wala raw sa parehong "wavelength" si Cesar at Diego nang mag-usap sila kaya raw hindi nakuha ng young actor ang ibig sabihin ng kanyang ama.

Noong Martes, February 7, naglabas ng sama ng loob si Diego sa kanyang ama sa pamamagitan ng social media.

Ito ay matapos bantaan diumano siya ng ama na ipapadampot sa pulisya dahil sa diumano'y paggamit ng bawal na gamot.

Noong Huwebes, February 8, ay ibinahagi ng 21-year-old actor sa Instagram ang panibagong resulta ng drug test na isinagawa noong October 2016 na nagpapakita ng resultang negatibo siya sa paggamit ng droga.


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga gets support from mom and half-sisters
Diego Loyzaga gets support from mom and half-sisters
Sunshine Cruz reaches out to Diego Loyzaga
Sunshine Cruz reaches out to Diego Loyzaga
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN