John "Sweet" Lapus defends Chokoleit amid viral kissing video scandal

IMAGE Bernie Franco

Comedian John "Sweet" Lapus defends good friend and fellow comedian Chokoleit from bashers of his kissing video which went viral last week: "Uy, mabait na tao si Chokoleit. Kung makikilala niyo lang siya, sobrang mabait na tao 'yan. Kaya deserved niyang malaplap, may video man o wala."


Sobrang natawa lang daw si John “Sweet” Lapus sa nag-viral na kissing video ng kaibigan at kapwa komedyante niyang si Chokoleit.

Naging usap-usap at nag-trending pa sa social media ang video ni Chokoleit na tinatawag na “Chokoleit Scandal” kunsaan may kahalikan ito na isang lalake na tumagal nang isang minuto at siyam na segundo.

Watch: Chokoleit "kissing scandal" video becomes viral

“Sa totoo lang, tawang-tawa lang ako!

“Pero happy naman ako para sa friend ko.

“Unang-una, pareho kaming Jonathan ang totoong pangalan.

“Si Chokoleit kasi, keri niya ang mga ganyan.

“Siya lang ang nakakagawa ng ganyan.

“Noon pa man, mahilig magbigay ng libreng show ‘yan.

“O, 'di ba? Nag-trending pa siya,” pahayag pa ni Sweet nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook private messaging.

Umani na ng higit sa 1.5 million views ang video na ito ni Chokoleit.

Pero nakatanggap din ng bashing ang komedyante sa social media dahil sa video niyang ito.

Mabilis naman siyang ipinagtanggol ni Sweet.

“Uy, mabait na tao si Chokoleit.

“Kung makikilala niyo lang siya, sobrang mabait na tao ‘yan.

“Kaya deserved niyang malaplap, may video man o wala,” pagdepensa ni Sweet.

V-DAY WITH FRIENDS. Naiinggit nga raw si Sweet kay Chokoleit dahil alam niyang may makakasama ito sa Valentine’s Day.

Siya raw kasi ay mga kaibigan lang niya ulit ang makakapiling niya sa Araw ng mga Puso.

“For the nth time, mga kaibigan ko ang kasama ko on Valentine’s Day.

“Nasanay naman na ako na na every Valentine ay mga bakla ang kasama ko.

“Pero kahit kami-kami lang, masaya.

“Siguro kailangan lang ay happy ka sa Valentine’s Day sa piling ng kahit na sino,” diin pa niya.

SADDENED BY DOBLE KARA ENDING. Kailangan nga raw magsaya ni Sweet dahil nakaranas na naman siya ng tinatawag na “sepanx,” o separation anxiety, dahil nagwakas na ang kinabibilangan niyang teleserye na Doble Kara sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakalungkot, pero kakayanin.

“Napaka-close ng Doble Kara family.

“One year and six months kaming nagkasama sa show kaya super-close kami lahat.

“Totoo na nakaranas na naman ako ng separation anxiety.

“Lalo na noong last day party namin, kita nila talaga na malungkot ako.

“Kaya nag-organize kami ng isang weekend na outing kasi ayaw pa naming magkahiwa-hiwalay.

“Ganyan naman ako kapag napapalapit sa akin ang mga tao sa isang show.

“At ang tagal pa naming nagsama.

“Ang hirap isipin na magigising ka the following day na wala na pala kayong taping.

“Nasanay na kasi ang katawan at isipan mo sa gano’n.

“E, ang buong cast pa naman, super-close kaming lahat.

“Magkakasama kami sa iisang tent lang.

“Kaya kahit sa pagkain ay sabay-sabay kami.

“One big happy family kami talaga.

“I will miss most of all sina Julia Montes at Mylene Dizon.

“Kasi lagi kaming magkakasama sa mga eksena,” emote pa ni Sweet.

NEXT PROJECT. Wala pa raw na susunod na project si Sweet after Doble Kara. Pero ang maganda ay puwede na raw siyang mag-guest sa ibang network.

“May promise ang Dreamscape na magkakaroon ako ulit ng bagong teleserye with them.

“So habang wala pa, puwede na akong mag-guest sa iba.

“Puwede na muna akong rumaket ulit sa GMA-7. Kaya tawag na!” pabiro niyang parinig.

25TH ANNIVERSARY IN SHOWBIZ. At kahit maaga pa, pinaghahandaan na raw ni Sweet ang kanyang 25th anniversary sa showbiz sa 2018.

Ibabalik daw niya ang kanyang Sweet series muli para sa mga nakaka-miss nito.

“Naku, next year pala, abangan nila ang Sweet Silver.

“Miss ko na din mag-solo live show.

“Promise, isang matinding pasabog ito dahil sa silver anniversary ko sa showbiz!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN