Carlo Aquino closer now to ex-girlfriend Angelica Panganiban

IMAGE Carlo Aquino's Instagram

Carlo Aquino plans to go to Singapore to watch the concert of Coldplay. He'll be going with his girlfriend Kristine Nieto and a group of friends which includes former flame Angelica Panganiban.


Naiintindihan naman daw si Carlo Aquino ang kasalukuyang estado ng personal na buhay ng kanyang former girlfriend na si Angelica Panganiban.

Dalawang major heartbreaks kasi ang pinagdaanan ni Angelica: Sa naging boyfriend nito of six years na si Derek Ramsay at sa katatapos lang na relasyon nito kay John Lloyd Cruz.

Kaya, naiintindihan daw ni Carlo kung sakaling ayaw muna nitong makipag-relasyon sa ngayon.

Pahayag ng Kapamilya actor, "Hindi ako naaawa, dahil masaya siya.

"Yun din naman ang importante, kahit wala kang katuwang [sa buhay]. Basta may pamilya, may mga kaibigan.

"Bata pa naman siya, at masaya siya. Basta buo ang pakiramdam mo sa sarili mo."

CLOSER WITH ANGELICA. Malapit daw silang dalawa sa isa't isa ngayon.

"Oo, grupo kami. May viber group kami.

"Magka-viber kami nila Ketchup, kasi nandun pa rin naman yung friendship namin.

"Magsi-Singapore kami, manonood kami ng Coldplay kasama ng girlfriend ko."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlo sa grand media launch ng Kapamilya teleseryeng The Better Half na magsisimula na sa Monday, February 13.

Ginanap ang nasabing event sa 13th Floor, ng ELJ Building sa ABS-CBN compound nung February 9, kung saan naroon din ang ibang cast na sina JC de Vera, Shaina Magdayao, Denise Laurel, at Carmi Martin.

Hindi naman daw pinagseselosan ng longtime girlfriend niyang si Kristine Nieto ang closeness nila ngayon ni Angelica.

Aniya, "Okey din naman sa kanya. She's very understanding.

"Barkada na rin nga kami. Hindi rin siya nagseselos sa mga sweet scenes sa shows o movies...binabasa niya yung script.

"Ganun din lang naman yun, e.

"Sabi ko sa kanya, ‘Kung gusto mong basahin, basahin.’ Naiintindihan din naman niya."

Hindi rin naman bago sa showbiz si Kristine. Dati itong miyembro ng now-defunct all-girl group na Eurasia.

NO PLANS YET FOR MARRIAGE. Sa puntong ito ay napag-usapan namin ang tungkol sa kanyang love life. Inamin ni Carlo na nagli-live-in na sila ni Kristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa ba silang planong magpakasal?

Sagot ni Carlo, "Wala pa, e. Mag-iipon muna.

"Marami pa kaming plano. Like nag-aaral siya ngayon ng culinary then, sunod nun, baka magtayo kami restaurant."

Wala pa rin daw silang balak na magkaanak muna bago ang kasal.

"Wala pa. Kasi, usually nga, nagkikita kami pag-uwi ko na ng galing sa taping.

"Pag-uwi ko naman, papasok naman siya ng school."

Kaya nga raw kahit ngayong Valentine's Day ay wala pang nakaplano sa kanila.

Pabirong pahayag niya, "Baka may taping kami. Mag-dinner kami sa taping."

Sa tingin ba niya, mas matagumpay ang kanyang relasyon ngayon dahil hindi na showbiz ang kanyang partner?

"Kahit sa showbiz, o non-showbiz, ang importante lang ay totoo. At alam mong mahal nyo ang isa't isa.

"Yun lang yun, at naiintindihan ang trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN