Kris Bernal admits having non-showbiz suitor

IMAGE Rose Garcia

Kris Bernal admits having an older non-showbiz suitor: "Nasa stage naman ako na nag-e-entertain naman ako. Pero gusto ko kasi, for example, pag magkaka-boyfriend ako, yun na yung last, yung pangmatagalan. Ayoko na ng bata. Pag may nanligaw sa akin na bata, na mas bata sa akin, wala, ayoko talaga."


Nang makausap namin si Kris Bernal, siya na mismo ang nagbanggit tungkol sa kanyang personal life.

“Hindi niyo ba tatanungin yung love life ko?” at tumawa ang Kapuso actress na nakapanayam namin nitong nakaraang February 3 sa first taping day ng Impostora sa Agham Road sa Quezon City.

Wala raw karelasyon ngayon si Kris.

Hindi natuloy ang pagkakaroon sana nila ng relasyon ni Renz Fernandez na nanligaw sa kanya habang ginagawa nila ang Little Nanay noong November 2015 hanggang March 2016.

Pag-amin niya, “Hindi lang kami nagkasundo, may mga bagay lang…

“May ugali lang kami na parang, ‘Ay, hindi tayo magki-click!’”

Meron naman raw nanliligaw sa kanya ngayon.

Hindi raw artista ang nanliligaw sa kanya ngayon.

Dagdag niya, “Nasa stage naman ako na nag-e-entertain naman ako.

“Pero gusto ko kasi, for example, pag magkaka-boyfriend ako, yun na yung last, yung pangmatagalan.

“Ayoko na ng bata. Pag may nanligaw sa akin na bata, na mas bata sa akin, wala, ayoko talaga.”

Twenty-seven years old si Kris ngayon.

Mas matanda raw sa kanya ang nanliligaw sa kanya ngayon.

Bukod sa showbiz ay hands-on din si Kris sa kanyang negosyo na Meat Kris na isang burger stand sa CommunEaty Roces Food Hub sa 120 Don A. Roces Avenue, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN