How Vice Ganda taught sidekick Negi a valuable lesson

IMAGE Screengrab from Magandang Buhay

Vice Ganda had his sidekick Negi removed from Gandang Gabi Vice before when he found out that Negi had vices. But Negi was able to return to the show when he started fixing his life anew.


Ipinatanggal pala noon ng comedian-TV host na si Vice Ganda ang sidekick niyang si Negi sa talk show na Gandang Gabi Vice (GGV).

Ibinahagi ito ni Vice sa guesting nila sa Magandang Buhay kahapon, February 10.

Ayon sa kanya, kinailangan niya itong turuan ng leksyon nang nalaman niyang nagkakaroon ito ng bisyo.

Sabi niya, "Kasi nung rumaraket na ay kumikeri na si Negi, ang saya ko na ang dami nang guesting, ang lakas ng raket.

“E, nabalitaan ko... ishi-share na natin kasi success story mo ito, maganda i-share para ma-inspire sila.

“Nabalitaan ko, may mga kaibigan siyang masasama 'tapos nagbibisyu-bisyo. Sabi ko talaga sa kanya, sabi kong ganoon, kapag nalaman kong nagbibisyo ka, tatanggalin kita dito sa GGV, ipapatanggal kita sa comedy bar, at kakausapin ko lahat ng shows.

“Walang tatanggap sa iyong trabaho, hindi ka magkakaroon ng raket, mamatay ka sa paghihirap, sabi ko sa kanya.

“Tinanggal ko siya sa GGV, tapos pinabawasan ko siya ng araw sa comedy bar."

Subalit kahit daw ipinatanggal niya ito sa kanyang show, kinakamusta pa rin daw niya ito.

Pagpapatuloy niya, "Pero inaalam ko, kamusta, ano na ang nagaganap kay Bakla? Si Bakla nagbago, yung natakot.

“Kasi sabi ko, hanggang 'di mo ito natutunang pahalagahan, yung ibinigay sa iyong chance, ay hindi kita tutulungan ulit.”

Dahil dito ay nagbago raw si Negi at inayos muli ang kanyang buhay kaya napagdesisyunan na rin niyang pabalikin ito sa GGV.

Kuwento ni Vice, "Si Bakla nagbago, umayos yung buhay, umayos ang bahay, yung pamilya. So sabi ko, ibalik na natin si Negi sa GGV.

“'Tapos magmula noon, tignan mo, sunud-sunud ang swerte sa iyo, na kahit 'di ko na siya tinutulungan, mismong siya, lumalapit sa kanya ang trabaho.

“Kahit hindi ko na nga ito alalayan, kaya na niya, ang bongga-bongga na nitong si Negi.

“Kaya proud ako diyan at saka nakakaipon na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan ay patuloy na napapanood si Negi sa Gandang Gabi Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN