Why did Kris Aquino suddenly cancel her Hong Kong birthday trip?

IMAGE Instagram account of Kris Aquino

Kris Aquino and her children were supposed to go to Hong Kong for her birthday on February 14. However, she cancelled it at the last minute after watching a video of the MTR train explosion in the former British Crown Colony.


Hindi na matutuloy si Kris Aquino at ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby sa Hong Kong.

Nakatakda sana silang lumipad kanina, February 11, papuntang Hong Kong para roon nila ipagdiwang ang ng kanyang kaarawan sa darating na February 14.

Ibinahagi pa niya ito kahapon, February 10, sa kanyang Instagram account.

Makikita sa larawan na nakatanggap ang Queen of All Media ng balloons para sa kanyang 46th birthday.

Saad niya, “The kids & I are leaving tomorrow (they chose where I'll spend my birthday).

“These arrived to greet me in advance... won't lie to all of you, my life recently hasn't been what I expected or prayed for- but holding on to my faith.

“Thank You to friends who just want to see me smiling again.”

Subalit kanina, naibahagi ni Kris na hindi na nila itutuloy ang kanilang Hong Kong trip.

Ito ay dahil sa napabalitang pagsabog ng MTR train sa Hong Kong matapos magtangka ang isang lalaki na mamato ng petrol bomb kung saan labing-isa ang sugatan.

Ibinahagi naman ito ni Kris nang i-post niya ang natanggap na bulaklak.

Sabi niya sa caption, “Seriously awesome birthday floral arrangement from my favorite @boss1020. Thanks Cuz for the unconditional love.

“P.S. We cancelled our trip, got scared of the MTR video we saw (we were supposed to go to HK Disneyland)...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN