Eddie Garcia figures in a car accident

IMAGE PEP Files

According to a Facebook post, Eddie Garcia figured in a car accident that is why he was not seen in recent episodes of FPJ's Ang Probinsyano.


Naaksidente ang veteran actor na si Eddie Garcia.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi nakikita ngayon ang 87-year-old actor sa primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon sa post ng Facebook user na si Edith R. Fider, kasalukuyang nagpapagaling daw si Eddie matapos ang insidente.

Isang "entertainment professional" ang description kay Edith sa column ng entertainment columnist na si Edgar Cruz ng Daily Tribune.

Sabi ni Edith sa kanyang post, “GET WELL SOON TITO EDDIE!...kung matagal-tagal nyo ng di nakikita sa Ang Probinsyano si tito Ed ay dahil naaksidente sya at kasalukuyang nagpapagaling.

“We miss you tito! Pagaling ka agad!”

Isa naman sa Facebook friends ni Edith ang nagtanong kung ano ang nangyari sa veteran actor.

Sagot nito sa comments section, “Car accident but hes ok na nagpapagaling ns lang.”


Wala namang ibang detalyeng ibinahagi si Edith tungkol sa nangyari kay Eddie.

Samantala, nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Edith upang makibalita sa kalagayan ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN