Mikael Daez finally admits six-year relationship with Megan Young

IMAGE GMA Network

After years of being evasive, Mikael Daez finally admits the truth about his relationship with former Miss World 2013 Megan Young: "I've been with Megan Young for six years and first time kong inaamin 'yan. Magugulat ang mga tao dahil hindi nila alam kung gaano katagal na kami. This is the first time I'm putting it on record."


Sa kauna-unahang pagkakataon, umamin na si Mikael Daez tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Megan Young.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso leading man sa presscon ng bago niyang afternoon prime teleserye, ang Legally Blind, kagabi, February 11 sa 17th Floor ng GMA Building,

"Ano bang words ang gusto mong lumabas sa bibig ko?" natawang sabi niya.

Mas natatawa pa ito at halatang hindi sanay kung paano sasagutin ang tanong namin kung gaano na nga ba sila katagal mag-boyfriend-girlfriend ng Kapuso star at Miss World 2013 na si Megan.

"We've been together... wow, this is the first time!" natatawang sabi niya tungkol sa gagawin niyang pag-amin.

"I've been with Megan Young for six years and first time kong inaamin 'yan.

“Magugulat ang mga tao dahil hindi nila alam kung gaano katagal na kami.

"This is the first time I'm putting it on record," saad niya.

REASON FOR NON-DISCLOSURE. Ipinaliwanag ni Mikael na hindi raw nila magawang aminin ang kanilang relasyon dahil meron siyang ka-loveteam dati, si Andrea Torres, habang si Megan naman ay nasa ABS-CBN naman noon hanggang sa manalo na nga ito sa Miss World.

"Ako, I wanted to respect her space and at the same time, parang nasanay na tayo na hindi ko na sinasabi," paglinaw niya.

Sabi naman namin kay Mikael, ang maganda naman sa kanila ni Megan, hindi naman din nila nililimitahan ang pagsasama nila kahit sa ilang pampublikong lugar sa loob ng anim na taon.

"Hindi. Zero," natawa niyang sabi.

"Tapos, magtu-tweet pa rin yung mga tao na, 'Uy, sila o!'

“Wala lang, hindi na lang din namin inaano, and I guess, nasanay na rin kami."

Mahirap din ba na hindi direktang umamin sa totoong relasyon nila sa rami ng nagtatanong?

Aniya, "Noong maging kaibigan ko na ang mga press, hindi na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tayu-tayo lang naman 'to.

“Ang liit lang ng circle natin and noong maging magkaibigan tayo, there was trust.

"Naiintindihan niyo kung saan kami nanggagaling.

“Hindi naman bastusan ang dahilan.

“Hiningi ng network, hiningi ng negosyo.

“So yun lang and I guess, kahit sa inyo, nasanay rin kayo, nasanay ang press, nasanay ang audience, yung tao, yung fans."

HONESTY. Natawa si Mikael nang tanungin namin kung napag-usapan nila muna ni Megan ang ginawa niyang pag-amin ngayon.

"Hindi, hindi niya alam, pero parang game lang, okey lang siya run.

“'Eto, magugulat na lang siya," natawang sabi niya.

Anim na taon, hindi sila umaamin. May ka-loveteam siya. Nag-Miss World si Megan.

Hindi ba mahirap?

"Ang dami, ang daming nangyari.

“Ang dami niyo ring tanong sa akin, 'Hindi ka ba nagseselos nang mag-Miss World siya.'

“Alam niyo, proud ako diyan.

"Sobrang proud ako riyan," pahayag niya.

Dugtong pa ni Mikael, "And I told you, I told those people that I am close in the business na sobrang proud ako na tumagal kami.

“Kahit tinatago namin, kahit may mga issues, kahit hindi namin kailangang aminin na tuluy-tuloy pa rin kami dahil honest lang kami.

“Walang pekean.

"Hindi kailangang sabihin dahil sa work.

“But otherwise, when we're together, kung makita niyo kami sa daan, sa mall, sa beach—wala lang. 'Ahhh, sila pala,'" nakangiti niyang sabi.

JEALOUSY ISSUES? Hindi rin itinanggi ni Mikael nang tanungin namin siya kung nagkaroon din sila ng selosan sa loob ng anim na taong relasyon nila.

"Teka, iisipin ko ha...

“Meron, meron 'yan," pag-amin naman niya.

Sa parte ba niya o sa parte ni Megan?

"I think, sa part niya, kasi nagkaroon ako ng maraming ka-loveteam.

“Siya naman, nag-Miss World siya.

"Siyempre, kapag may loveteam, kahit anong mangyari, natural na may selosan."

Nagselos din ba si Megan kay Andrea na ngayon ay magkasama sa Alyas Robin Hood (ARH) na primetime series nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang sagot, "Oo, siyempre. First loveteam yun, e.

"Actually yun, nag-usap kami run.

“Nagkaroon ng masinsinan kaming usapan tungkol kay Andrea at never na negative outcome ang pagseselos.

"Palagi naming napag-uusapan, and ako naman, if you get to know me, very open naman akong tao, e.

“Kung gusto kong tanungin, tatanungin ko talaga.

"Yung openness talaga ang key and honesty."

Hindi raw uso sa kanila ni Megan yung nagbabawal sa isa't isa kung tungkol sa trabaho.

Tulad ngayon, may kissing scene si Megan kay Dingdong Dantes sa ARH.

Ani Mikael, "Wala. Halikan niya si Dong, okey, go lang.

“Kung halimbawa, may tanggapin siyang potentially award-winning role na she has to be daring, okey lang.

“Kung yun ang gusto niya, go for it. I'll respect it.

"Alam ko naman na mas open ako sa relationship.

“Siguro dahil siya ang babae, mas emotional siya.

“Pero alam ko na ibibigay niya rin sa akin yun."

NOT CONCERNED ABOUT RELATIONSHIP LABELS. Twenty-nine si Mikael at magtu-twenty-seven naman si Megan.

Kinumusta namin sa kanya kung may plano na rin silang pakasal.

"Work, work muna," sabi niya.

"Malaking bagay talaga, e.

“I think it does affect your work.

“I think image is very important also.

“But I think, beyond all that, ang importante riyan, kung ano ang relationship naming dalawa.

"Kahit ano ang label na na isalpak mo sa amin, wala kaming pakialam, e.

“What matters is kung paano kami nagku-konek sa isa't isa.

"I guess, from time to time, lumilitaw.

“Pero, I think yung stand namin is, okey tayo 'no?

“Wala kaming pakialam.

“Kahit anong sabihin nila—hindi kami mag-dyowa, mag-dyowa kami, magpapakasal na kami, hindi kami magpapakasal ever—it doesn't matter.

“Salita lang yun, label lang yun.

"So para sa amin, wala kaming pakialam sa label," diin niya.

Pero sabi rin ni Mikael, "Ang alam ko, maraming iba sensitive run, kaya nga maraming nagkaka-break."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SAVORING THE MOMENT. Napakahaba na rin ng anim na taong relasyon sa katulad nilang mga artista na nagtatagal.

Pero hindi ba siya natatakot sa long relationship na madalas ay nauuwi sa hiwalayan, kung pagbabasehan ang naging karanasan ng iba?

Pag-amin niya, "May mga nagkukuwento nga sa akin.

“Nakikita natin. Dito sa showbiz, mas lalo na.

“I think, that's a fear. That's always fear.

“You'll never know naman.

"You'll never know what's going to happen.

"We're enjoying naman and we're enjoying each other as of the moment."

Pero si Megan na ba ang nakikita niyang babaeng para sa kanya na talaga?

"Ay, oo naman!" mabilis niyang sagot.

"Hindi naman ako papasok sa isang relationship na hindi ko nakikitang may long-term potential.

“Pero at the same time, enjoy every moment.

"Kasi, kung napi-pressure ka, minsan nga, yung takot dun, yun pa ang nagiging dahilan kaya hindi tumatagal.

“Pero sa totoo lang, wala naman silang problema.

“So minsan, yung takot pa ang nagiging problema."

WEDDING PROPOSAL SOON? Sa kanilang dalawa ni Megan, mas si Megan daw ang planner.

Siya raw, mas spur-of-the-moment guy.

Posible kayang bigla na lang siyang mag-propose dito?

"Posible, posibleng mangyari yung ganun," masayang pag-amin niya.

"Napaka-spontaneous kami.

“Baka kapag dinala ko siya to somewhere romantic, maramdaman ko na lang," masayang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN