Jessy Mendiola reveals Valentine's Day plans with Luis Manzano

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola on Valentine's Day plans with rumored BF Luis Manzano: "Dive kami. Yun lang naman ang ginagawa namin kasi busy siya ngayon. Nag-plan lang kami ng mabilisang celebration."


Wala pa mang deretsahang pag-amin sina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa tunay na estado ng kanilang relasyon, base sa kanilang mga kilos, masasabing lumalalim na ang kanilang pagkakaibigan, at nagiging mas malinaw na ang patutuhguhan nito.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jessy Mendiola sa nakaraang contract renewal niya sa ABS-CBN noong nakaraang Huwebes sa 14th floor ng ELJ bldg. ng Kapamilya network, kinumpirma ng aktres na sila ni Luis ang magkasama sa darating na Valentine’s Day at iseselebra nila ito sa isang beach sa Batangas.

Kuwento niya, “Dive kami.

“Yun lang naman ang ginagawa namin kasi busy siya ngayon.

“Nag-plan lang kami ng mabilisang celebration.

“Saan pa ba ang pinakamalapit na beach? Yun ang hilig namin, yung malapit lang, sa Anilao lang.”

V-DAY GIFT. Agad naming tinanong si Jessy kung may regalo na ba siya para kay Luis.

Lahad niya, “Mayroon pero feeling ko male-late lang nang kaunti.

“Kasi inorder ko pa yun, e. Isi-ship pa lang, pero secret muna yun.

“Basta favorite niya yun!”

WHO'S MORE ROMANTIC? Nang tanungin kung sino sa kanila ni Luis ang mas romantic, masayang nagkuwento si Jessy kunsaan masasabing ang rumoured boyfriend ang mas romantiko kaysa sa kanya.

Mabilis niyang sagot, “Siya, siya talaga.

“Mahilig siya sa suprises, ako hindi.

“Siya yung mahilig na pag may occasions o celebration, lagi siyang may suprise.

“May naka-set up na, mayroong regalo.”

IDEAL DATE. Ibinahagi din ni Jessy kung ano ang ideal romantic date para sa kanya.

Sabi niya, “Yung usual like na dinner date.

“Nasabi ko nga sa kanya once na sana mayroong formal, yung magde-dress up kayo.

“Cute kaya ng ganun, lahat kaya ng babae yun ang pangarap.”

STILL EVASIVE ON REAL SCORE. Sa tanong kung ano ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Luis, hindi pa rin ito kinumpirma ni Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman niya itinago na masaya sila sa piling ng bawat isa at nagsisislbi silang inspirasyon sa isa’t isa.

Pag-amin ni Jessy, “Happy, happy kami.

“Yun lang naman.

“Siya, sobrang busy niya now.

“Ang dami niyang blessings na dumarating.

“Kumbaga, para sa akin, pag nakikita mo yung tao na nagi-inspire sa iyo na masaya saka very hardworking, nakakatuwa.

“Parang ang sarap lang sa feeling na happy siya, happy ako, happy lahat.”

FRESH NEW START. Sa pagpasok ng taong 2017, nagkuwento ang aktres na iniwan na nila ni Luis kung anuman ang mga negatibong nangyari at isyu sa kanila nung nakaraang taon.

Hindi rin itinago ni Jessy na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa pamba-bash sa kanya ng ilang netizens, pero mas alam na raw niyang i-handle ang mga ito ngayon.

Aniya, “Iniwan na namin lahat last year.

“Kumbaga, new start, new year, new goals.

“Sa ngayon, parang di na masyado.

“Of course, meron pa rin,

“Hay, meron pa rin.

“Pero parang wala na rin, e.

“Ganun naman lagi, e.

“Ngayon ikaw ang pag-usapan, bukas iba na.”

CONTRACT RENEWAL. Isa sa mga itinuturing na blessing ni Jessy sa pagpasok ng taon ay ang pagre-renew niya ng two-year contract niya sa Kapamilya network.

Wala pang maibigay na partikular na proyektong gagawin ang aktres, at dahil nga dito ay sandali muna siyang magbabakasyon.

Detalye niyang kuwento, “It’s a two-year exclusive contract.

“Blessed ako kasi napili nila ako, and nandun yung trust nila sa akin.

“For that, I’m very thankful and grateful, sobrang alaga ka nila.

“Right now, nasa planning pa lang kami and I’m taking a short break.

“Siguro for now, nag-uusap-usap pa lang kung anong projects, kasi last year was a bit jampacked.

“Pahinga lang muna ako.”

”Maybe for now tatapusin ko muna yung advanced diving course ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nahihilig na ako sa ilalim ng dagat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN