Maja Salvador says she's happy for her newly-remarried mom

IMAGE Beatriz Partosa

Maja Salvador is happy for her widowed mom, Thelma Andres, who married her fiance Roy Linklater last December 19, and is now residing in Canada: "Sobrang saya, kasi tulad ng sinasabi ko, deserve talaga ng Mommy ko na makatagpo ng forever niya, ng isang partner niya sa buhay at yun nga si Tito Roy."


Masayang-masaya si Maja Salvador dahil natagpuan na ng kanyang ina ang tamang lalake para sa kanya.

December 19 ng nakaraang taon nang ikasal ang ina ni Maja, si Thelma Andres, sa Canadian fianc nitong si Roy Linklater.

“Sobrang saya, deserve talaga ng mommy ko na makatagpo ng forever niya, ng isang partner niya sa buhay at yun nga si Tito Roy," kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa presscon ng Wildflower kamakailan.

“Sobrang mapagmahal ang mommy ko, e.

“Ngayon masaya siya, parang bagong journey ng buhay niya.

“Nakaka-miss, kasi nasa Canada na siya, pero everyday pa rin kaming nagbi-video call.

“Dun na siya nakatira for good.

“Tinext ko nga ang handler ko, si Nanay Neneth saka si Tita Mariole, kapag may TFC shows 'tapos Canada, baka puwede na ako ang ilagay."

Ang tinutukoy ni Maja ay ang Star Magic head na si Mariole Alberto at handler ng aktres na si Neneth Rustia.

SA TAMANG ORAS. Samantala, pabirong tinanong ng PEP at Cinema News si Maja kung hindi ba siya naiinggit sa ina na nauna pa nagka-lovelife kaysa sa kanya.

Sagot niya, "Hindi naman, darating yung time ko."

Ayon kay Maja, nung nakaraang taon ay nakikipag-date na siya pero sa huli ay na-realize niya na hindi pa siya talaga handang pumasok sa bagong relationship.

“Dati pa naman ako willing makipag-date," aniya.

“Last year naman nakipag-date ako.

“Naging open ako na nakipag-date ako.

“Yun nga lang, di pa siguro time.

“One step at a time muna, dahan-dahan.

“Career muna, kasi ang daming blessings, ang daming nangyayari.

“Pero kung may love na dumating, why not?

“Nasa age na rin kasi ako na ayoko ng puro kilig lang sa umpisa.

“Siyempre kailangan mo na rin ng isang taong makikita mo na baka siya na ang 'the one.'"

Sa huli, diniin ni Maja na ang desisyon niyang maging single muna ay hindi nangangahulugang hindi pa siya nakapag-move on sa nakaraang hearbreak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, ako rin sa sarili ko, di pa ako sure kung ready na ba talaga ako.

“Di naman sa di pa ako nakaka-move on sa past relationship, but yun ang kailangan mo, maging handa ka muna," pagtatapos ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN