Liza Soberano admits "no-boyfriend contract" with manager Ogie Diaz

IMAGE Noel Orsal

Liza Soberano on growing romance with Enrique Gil: "Limited pa rin. Like hindi po ako nakakalabas ng bahay ng wala po akong kasama. Kailangan either PA ko, Tita Jonie ko, kapatid ko or daddy ko. I mean, na siya lang ang kasama ko, hindi puwede."


Diretsahang inamin ni Enrique Gil na madalas siyang magsabi ng “I love you” sa rumored girlfriend niyang si Liza Soberano.

Ito ay sa kabila ng paninindigan ng dalawa na hindi pa sila opisyal na magkarelasyon.

Nang si Liza ang tanungin kung nagsabi na rin siya ng “I love you” kay Enrique, kapansin-pansing maingat ang pagsagot ng dalaga.

Sabi niya, “Uhm, opo. Occasionally po. ‘Pag special yung occasion—birthday niya, Christmas, New Year...

“Minsan, thank you din po. ‘Thank you for loving me.’”

Base ito sa panayam ni Vice Ganda kina Liza at Enrique sa Gandang Gabi Vice (GGV) episode, Linggo ng gabi, Pebrero 12.

"LIMITED" RELATIONSHIP. Dito ay tatlong beses iginiit ni Enrique na hindi pa talaga sila magkarelasyon ni Liza.

Aniya, “Hindi pa. Mametey [mamatay]!”

Kasabay nito ay aminado rin si Enrique na boyfriend-girlfriend na ang turingan nila ni Liza.

Paliwanag ng 24-year-old Kapamilya actor, “Vice, kasi sa akin, it’s not about the label. It’s how you treat each other.”

Agad nilinaw ni Liza na "limited" pa rin ang pagiging malapit nila ni Enrique.

Sabi ni Liza, “Like hindi po ako nakakalabas ng bahay nang wala po akong kasama. Kailangan either PA ko, Tita Jonie ko, kapatid ko or daddy ko.

“I mean na siya lang ang kasama ko, hindi puwede.”

Ipinaliwanag din ng 19-year-old Kapamilya actress na nangako siya sa ama niyang hindi muna siya makikipagrelasyon hangga’t hindi pa niya naaabot ang mga pangarap niya sa buhay.

“I just want to make them proud… They are proud of me, but I wanna make them more proud.”

Sa isang punto ng programa, diretsahang tinanong ni Enrique si Liza, “Mahal mo ba ako?”

Hindi man tuwirang sinambit ni Liza ang mga katagang “mahal kita,” pero tumango ang dalaga nang dalawang beses bilang sagot kay Enrique.

NO-BOYFRIEND CONTRACT. Kinalaunan ay inamin ni Liza na may usapan sila ng talent manager na si Ogie Diaz na hindi pa puwedeng makipagrelasyon ang dalaga hangga’t hindi siya tumutuntong sa edad na 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagyang nabigyang-linaw kung bakit nag-atubili si Liza na sagutin si Enrique nang sabay na kapanayamin si Ogie via phone patch.

Bungad ni Ogie, “Actually, may usapan kami ni Liza…”

Hirit ni Liza, “Nasa kontrata ko po, 23…”

Maya-maya ay binawi ito ng dalaga at sinabing, “Ang totoo, wala po talaga sa kontrata ko, binasa ko. Sinabi lang niya na nasa kontrata…”

Ayon mismo kay Vice, lumalabas na “verbal agreement” lang na hindi pa puwedeng makipag-nobyo si Liza.

Agad namang nilinaw ni Ogie na nakasalalay pa rin kay Liza kung anuman ang gusto nitong gawin sa personal na buhay.

Paglilinaw ng talent manager/reporter/actor: “Usapan namin ni Daddy ‘yan at saka ni Tita Jonie—nasa kontrata na hindi siya magbo-boyfriend.

“Pero alam mo, sa totoo lang, at 18, ang dami nang narating, may naipon na rin si Liza.

“So siguro, bigay natin kung anong ikaliligaya niya, for as long as hindi naman niya napapabayaan yung trabaho niya.”

Wala rin daw masasabi si Ogie pagdating sa pagmamahal at pag-aalaga ni Enrique kay Liza.

Ngunit bilang talent manager daw ng dalaga, ang tanging magagawa niya ay paalalahanan ang alaga sa prayoridad nito.

Dagdag ni Ogie, “Hindi ako ang nagluwal kay Liza. Si Daddy pa rin ang dapat niyang tingnan, hindi ako.

“Manager lang ako. Naggagabay lang ako kay Liza, at alam ko kahit iwanan mo mag-isa si Liza, napakaresponsableng bata.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN