Ogie Alcasid, Michelle van Eimeren rally behind Regine Velasquez amidst "PA" issue

IMAGE Instagram

Regine Velasquez gets support from husband Ogie Alcasid (left photo) and Michelle van Eimeren (right photo, far left).

Also in the right photo: Michelle's husband Mark Murrow (second to the left), Leila Alcasid (second from right) and Ogie (right most). 


Nagpakita ng suporta kay Regine Velasquez ang dalawang taong malapit sa kanya sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon.

Sa pamamagitan ng social media, ipinaabot ng kanyang mister na si Ogie Alcasid at ni Michelle van Eimeren—ex-wife ni Ogie—ang kanilang pagmamahal sa Kapuso star.

May mga fans kasi si Regine na nag-react at nagalit kay Leila Alcasid, 19, nang ilagay nito bilang caption sa isang social media post na "PA" o "personal assistant" niya for the day ang Asia's Songbird.

Si Leila ay ang panganay na anak nina Ogie at Michelle na nasa Pilipinas ngayon at nakatira kasama sina Ogie at Regine.

Agad na sinabi ni Regine na nasaktan siya sa pambabatikos ng kanyang fans kay Leila. Nilinaw din niyang ang pagiging “PA” ay biruan nila ng stepdaughter.


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez defends Leila from bashers over
Regine Velasquez defends Leila from bashers over "PA" post

Sa kanyang Instagram account, ni-repost ni Regine ang pahayag ng isang follower na may handle name na @DearRegine dahil naipaliwanag nito ang kanyang sentimiyento tungkol sa pagmamahal sa isang tao.


Nagkomento naman si Michelle ng:


Sa Twitter, nag-post si Ogie ng kanyang mensahe para sa asawa.

“Baba I love you. Everything always turns out right by God's grace,”

Nagpasalamat din si Ogie sa netizens na nagpakita ng suporta sa kanyang mga mahal sa buhay sa gitna ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN