Erich Gonzales on breakup with Daniel Matsunaga: "They want me to speak up...I will tell all."

IMAGE Facebook (Erich) / Instagram (Daniel and Vanessa)

Erich Gonzales responds to Vanessa Matsunaga's Instagram messages to her. 


Nag-react si Erich Gonzales sa mahabang mensahe ni Vanessa Matsunaga, kapatid ni Daniel, sa Instagram account ng aktres.

Matatandaang nakiusap si Vanessa na sana ay linawin ni Erich na hindi pera ang dahilan kaya sila naghiwalay ni Daniel.

Inaakusahan raw kasi si Vanessa at ang kanyang pamilya na manggagamit.

Kagabi, Linggo, February 12, nag-deactivate ng comments section ng kanyang Instagram account si Erich, kung kaya’t hindi na mababasa ngayon ang mga komento ni Vanessa.

Nag-react naman si Erich at sinabi nitong hindi “proper venue” ang social media upang pag-usapan ang nasabing isyu.

“Gusto ko na po sana manahimik na lang at mag-move on na pero sila yung comment nang comment sa social media.

"Social media is not the proper venue,” ang pahayag ni Erich sa panayam niya kay Marie Lozano ng ABS-CBN News na nailathala ngayong Lunes, February 13.

“I turned off the comment section of my Instagram account kasi pagpipiyestahan lang ng mga tao, lalong hahaba at hindi matatapos.”

May mensahe rin si Erich sa mahabang pahayag ni Vanessa tungkol sa pera.

“Hindi ako mayaman, Vanessa. Tama ka, mahirap lang ako, hindi ako kasing-yaman ng napangasawa mo.

“Pero sa mundong ito, ang realidad, hindi lang mayayaman ang nate-take advantage. Mas maraming mahirap ang napapagsamantalahan.”

Gusto raw sana ni Erich na manahimik na lamang subalit napo-provoke daw siya na magsalita, kaya ang babala niya, “They want me to speak up, I will.

"I will tell all.”

Kinumpirma ni Erich ang paghihiwalay nila ni Daniel noong Huwebes, February 9, sa contract signing niya sa ABS-CBN.

Sa interview, umiwas si Erich na magsalita nang tanungin siya kung pera nga ba ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Daniel, dahilan upang isipin ng iba na usaping pinansiyal ang posibleng dahilan kung bakit nila tinapos ang halos dalawang taong relasyon.


Stories We Are Tracking

Vanessa asks Erich 'to please address money issue'
Vanessa asks Erich 'to please address money issue'
Erich confirms breakup with Daniel:
Erich confirms breakup with Daniel: "It's over."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN