Raymart Santiago takes kids Santino and Sabina on pre-Valentine date

IMAGE Instagram photo of Raymart Santiago

Raymart Santiago goes on a "sundate" with his kids Santino and Sabina.


Masayang nakipag-bonding si Raymart Santiago sa kanyang mga anak na sina Sabina at Santino bago ang Valentine's Day.

Sa Instagram posts ng Kapuso actor, makikitang muli niyang nakasama ang kanyang mga anak sa aktres na si Claudine Barretto kahapon, February 12.

Ang unang larawan na nai-post ni Raymart ay may caption na "Sundate."

Sundate ????

A photo posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

Pagkatapos ay nag-post siya ng video na kuha sa loob ng sinehan.

Movie date

A video posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

Kaninang umaga naman, February 13, makikita ang pagsasalu-salo nilang tatlo sa agahan, na naging espesyal dahil ito ay personal na inihanda ni Raymart.

Cooked breakfast for this 2... Happy hearts day.

A photo posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

Pre-Valentine's Day celebration

A photo posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

Sa mga sumunod na post ay nakuhanan ni Raymart ang pakikipaglaro nina Santino at Sabina sa kanyang mga alagang hayop.

Playtime with Shakira #africanserval

A video posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

Santino and Nimbus

A photo posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

Ang bonding ng mag-aama ay tila patunay na alang-alang sa kanilang mga anak, kayang isantabi nina Raymart at Claudine Barretto ang kanilang mga di pagkakaunawaan.

Noong November 2016 ay nagkaroon ng bagong isyu sa pagitan ng dalawa dahil sa diumano'y pananakit ng “kamag-anak” ni Raymart sa siyam na taong gulang nilang anak na si Santino.

Bagamat may banta si Claudine na magsusumite ng pormal na reklamo laban sa mga nanakit sa kanyang anak, sa tingin naman ni Raymart ay hindi na dapat palakihin pa ang isyu.

Sabi niya sa nakaraang interview, “Away-bata ‘yan, ayusin na lang.’”

Noong nakaraang buwan naman ay tinawag ni Claudine ang kanyang estranged husband na si Raymart na "deadbeat dad."


Stories We Are Tracking

Claudine to file complaints against Raymart's relative
Claudine to file complaints against Raymart's relative
Raymart frustrated by Claudine's latest allegations
Raymart frustrated by Claudine's latest allegations


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN