Piolo Pascual, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz affirm loyalty to Star Magic

IMAGE @starmagicphils on Instagram

Piolo Pascual, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, and Jericho Rosales do not see any reason to leave Star Magic.


Naging sentro ng usapan ang tungkol sa loyalty sa ginanap na thanksgiving press conference para sa 25th anniversary ng Star Magic noong Linggo, February 12.

Kabilang sa mga Star Magic talents na dumali ang itinuturing nang "institusyon" sa ABS-CBN talent arm na sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, at Jericho Rosales.

Sa kanilang anim, maituturing na si Angelica ang pinaka-loyal at pinaka-original sa lahat dahil mula nang nananatili siyang talent ng Star Magic simula nang maitatag ito ng ABS-CBN.

Gayundin, sina John Lloyd, Bea, Jodi, and Piolo ay masasabi ring loyal talent arm na dating kilala bilang ABS-CBN Talent Center.

Kasabayan noon ni Angelica si Camille Prats na lumipat na sa GMA Network at may iba na ring manager.

Si Jericho naman ay iba na rin ang talent manager.

Bakit nanaatiling loyal si Angelica sa Star Magic?

“Wala rin naman pong choice. Parang Star Magic lang ang alam ko, e," pabirong tugon ng Banana Sundae star.

"Pero totoo po talaga, nag-start po talaga ako sa Star Magic at never po talagang pumasok sa isip ko na maghanap ng ibang magma-manage ng career ko.

"Siguro malalim na ang nabuo kong tiwala sa Star Magic, kay Mr. M at kay Tita Mariole para mag-invest ulit ako sa bagong tao.

“I think, sobrang lalim na ng relationship, so kung mawawala sila, siguro ima-manage ko na lang ang sarili ko."

Ang tinutukoy ni Angelica ay ang kilalang namamahala ng Star Magic na sina Mr. Johnny Manahan at Mariole Alberto.

NO REASON TO LEAVE. Para naman kay Jodi, wala siyang rason upang umalis sa Star Magic.

Si Jodi ay kaabilang sa mga ipinakilalang bagong talent ng Sta Magic sa pamamagitan ng Star Circle Batch 7.

Kuwento niya, "Siguro po dahil walang rason, kasi wala rin namang nag-offer.

“Sure ba sila [Star Magic] na tayo ang nilagay rito?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Wala naman po akong reason. Ganun lang kasimple yun. At panatag ako sa alaga at pagmamahal na binibigay sa akin ng Star Magic."

Katulad ni Jodi, wala rin nakikitang rason para umalis ang dating niyang Tabing Ilog co-star na si John Lloyd, na naging bahagi naman ng Star Circle Batch 5.

Kasabayan niya noon sina Baron Geisler at Marc Solis, na nakasama niya sa grupong Koolits.

Sa ngayon, maituturing na isa sa pinakamatagumpay na artist ng Star Magic si John Lloyd dahil sa pagiging mahusay nito bilang aktor.

Sabi ni John Lloyd sa entertainment reporters, "Wala, hindi na pinag-uusapan 'yan.

"You're in the best talent firm in the country, so hindi mo na iisipin na pumunta dun sa iba."

‘REBEL’ JERICHO. Samantala, aminado si Jericho siya ang maituturing na pinaka-rebelde sa kanilang anim.

Lumipat ang dating Star Magic talent na si Jericho noong 2008 sa Manila Genesis Entertainment.

Pahayag pa niya, “Iba naman ang case ko. Alam naman nating lahat na rebelde ako dati.

"It's not about the people I've worked with, it's the journey that I took.

“I've been happy with my decision and kung sino man ang nakatrabaho ko dati, really added to my life, wisdom, direction.

"But the point is, I started with Star Magic: healthy, happy, loving family.

“You'll always go back to your family and along the way you discover people na puwede mo rin maging kapamilya, yun naman ang point ng lahat.

“So, this is my family, Star Magic."

Bahagi ng Star Cirle Batch 4 si Jericho.

GOOD SIDE. Sa kabilang banda, pinuri ni Bea ang magandang pamamalakad ng Star Magic.

Bahagi si Bea ng Star Circle batch 10.

Ayon sa bida ng A Love To Last, malaking bagay daw sa Star Magic ang pagkakaroon ng handlers, na tutok sa kanilang mga alaga.

Sabi niya, "Yung mga handlers namin... Akala niyo madali lang ang ginagawa nila, pero sobrang hirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga pagkakataon na sarili nilang pamilya nakakalimutan nila dahil lang sa pag-aalaga sa amin.

"Isa yun sa malaking rason kung bakit nandito kami."

Para kay Piolo, na ipinakilala sa Star Circle Batch 3, hanggang sa huling bahagi daw ng kanyang karera ay mananatili siya sa Star Magic.

Isa si Piolo sa itinuturing na prime stars ng ABS-CBN ngayon.

Aniya, "I think, as I've said before, I started my career in ABS-CBN, I'm gonna end up with them as well.

“I'd rather retire or leave kesa matapos ang career ko rito.

"This is my choice and have always been my choice.

"If not because of Star Magic, ABS-CBN, Mr. M., Tita Mariole, Tita Malou, Ma'am Charo, collaborative effort na binibigay ng lahat, yun lang po yun."

Si Malou Santos ang managing director ng Star Cinema samantalang si Charo ay dating presidente ng ABS-CBN.

MORE TALENTS. Bukod sa kanilang anim, dumating din sa thanksgiving presscon ang iba pang talents ng Star Magic tulad nina Enchong Dee, Shaina Magdayao at Rodjun Cruz, na ilan sa pinagkakatiwalaan ng mga namumuno pagdating sa hindi lamang sa pag-arte kundi pati sa pagsayaw.

Naki-celebrate din ang kilalang leading men ng Star Magic na sina Matteo Guidicelli, Sam Milby, Jake Cuenca, at Gerald Anderson.

Gayundin ang mga kilalang loveteams sa pangunguna nina Liza Soberano at Enrique Gil o mas kilala bilang Lizquen; at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang KathNiel.

Ipinarinig na rin sa pamamagitan ng mga Star Magic singers ang bagong Star Magic theme song.

Isang year-long celebration ang magaganap sa loob at labas ng bansa sa halos lahat ng kanilang mga talents bilang pagdiriwang ng ika-25 taon ng Star magic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN