Miguel Tan Felix plans Valentine date with Bianca Umali even if "hindi po kami"

IMAGE Noel Orsal

Inamin ni Miguel Tan Felix na may pagkakataong pinagselosan niya si Jak Roberto nang naging malapit ang huli kay Bianca Umali. Gayunman, nilinaw ni Miguel na wala silang relasyong ni Bianca sa kabila ng matagal na nilang tambalan.


Diretsahang tinanong si Miguel Tanfelix kung totoong hiwalay na sila ng rumored girlfriend na si Bianca Umali.

Bali-balita kasing nangyari ang kanilang hiwalayan bandang November o December noong nakaraang taon.

Pahayag ng 18-year-old Kapuso actor: "Talaga po? Nag-break kami? Ano ba naman yun, hindi pa nga ako nanliligaw, break na agad.”

Ayon kay Miguel, posibleng nabigyan lang ng malisya ang sandaling pagkawala nila ni Bianca sa telebisyon.

Aniya, "Baka po kasi nawalan ng show, hindi nagkikita...Walang pino-post na picture together.

"Baka akala nila, wala na sila."

Ano ba ang totoong estado ng relasyon nila?

Sagot ni Miguel, "Status po? Katulad pa rin ng sinasabi namin, hindi po kami.

"Nanliligaw? Saka na po, pero hindi pa po kami."

Pero masaya niyang ibinahagi na mayroon ulit siyang inihandang sorpresa kay Bianca ngayong Valentine’s Day.

Plano pa raw ng binatang talbugan ang Valentine date nila ni Bianca noong nakaraang taon.

Balik-tanaw ng binata, "Nakakatawa yung ginawa ko last year, kunwari merong client.

“Pagpunta niya run, ako ang nandoon. Pero kumain lang naman po kami sa steak house."

Nilinaw din ni Miguel na may pahintulot ng pamilya ni Bianca ang paglabas nila sa tuwing mayroong espesyal na okasyon tulad ng Valentine’s Day.

Kadalasan, kasama rin daw ang kanilang pamilya.

"Friendly date lang naman po. This time, siya naman ang magyayaya sa akin," biro ulit ni Miguel.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa presscon ng GMA variety show na Full House Tonight.

Ginanap ang media event sa 17th Floor ng GMA Network Center noong Pebrero 7.

JEALOUS OF JAK? Dito ay hiningan din ng reaksiyon si Miguel sa espekulasyong nag-uugnay kay Bianca at ang Meant To Be star co-star nitong si Jak Roberto.

Sandaling nagkatrabaho bilang magka-love triangle sina Miguel, Bianca, at Jak sa Usapang Real Love (URL) noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi tuwirang nagkomento si Miguel nang tanungin kung ang dahilan ng panlalamig nila ni Bianca sa isa’t isa ay si Jak.

Natawang reaksiyon lang ng 18-year-old actor, “A, talaga po?”

Gayunman, aminado si Miguel na bahagya siyang nagselos sa pagiging malapit ni Bianca kay Jak noon.

“Before and after, hindi naman po kami nagkakasama.

"First and last na nagkasama kami ni Jak, yung URL.

“Hindi naman po ako nagselos, medyo lang.

"Kasi sa lahat naman po ng naka-love triangle ni Bianca, nakakaramdam ako ng selos."

Kung hindi sila ni Bianca, bakit siya nagseselos?

Paliwanag ni Miguel, "Siyempre, nakakaselos pa rin po talaga yun.

"Halimbawa, tatlo kayong magkakaibigan 'tapos yung kaibigan mo niyaya, ikaw hindi."

Hindi kaya binabakuran niya si Bianca?

Paglilinaw ulit ng binata, "Hindi naman po yung nagtatayo ng wall, pero nandito lang ako palagi for her."

Nang tanungin kung naiinggit siya sa abs ni Jak, natawang sinabi ni Miguel na hindi siya papahuli pagdating sa kanyang pangangatawan.

Aniya, "Abs? Meron din naman po ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN