MTRCB Chair Rachel Arenas says she was misquoted about statement on regulating films online

IMAGE Facebook

MTRCB Chair Rachel Arenas says she was misquoted about statement on regulating films online: "I didn't say, I want to regulate it. Ang sabi ko, they should do self-regulation..."


Nilinaw ng newly-appointed Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson na si Rachel Arenas ang lumabas na pahayag nito tungkol sa pag-regulate ng online movies, tulad ng Netflix.

Binatikos si Arenas dahil sa balita na aniya’y walang katotohanan at resulta ng maling report ng interviewer.

Misquoted umano si Arenas ng reporter na nag-interbyu sa kanya sa Pangasinan.

Kaya ito ang klinaro ng MTRCB chair nang humarap sa entertainment press ngayong Martes, February 14.

"I was interviewed by a radio station in Pangasinan and when they wrote about it, I would assume that they only chose the key words, pero ang tanong talaga sa akin noon, paano yung mga pirated DVD?

"So ang sagot ko, ‘Hindi iyan under MTRCB. That's under Optical Media Board.’

"And then sabi ko na kapag minsan nga rin, hindi lang yung pirated dahil meron tayong napapanood sa Facebook din.

"And then, meron din mga napapanood ang mga tao online although legal naman iyon na binabayaran sa Netflix.

"But I didn't say, I want to regulate it. Ang sabi ko, they should do self-regulation or be more prudent in the shows or movies that are going out sa mga menu nila.

"Siyempre, nagkaroon ng reaksiyon yung mga tao, pati dun sa aking Facebook na, 'Don't dare touch my Netflix.'"

Pero aminado siya na kailangan na ring masimulan ang maaaring maging guidelines para sa mga online movies.

Sa pagpapatuloy ni Arenas, "But hindi ko rin ipagkakaila na marami nang bansa, yung mga counterpart namin, pinag-aaralan din iyan kasi siyempre kailangan din tayo sumabay, and because the advance in technology is so fast, it's hard to cyber police.

"Nung nasagot ko iyan right after it came out, parang after three days, lumabas ulit siya.

“Sobrang daming reaksiyon, kung anu-ano."

Muli, nilinaw niya ang naging pahayag.

"so I just want to clear that I said, 'Maybe they should self-regulate,' kasi hindi iyan nasa jurisdiction ng MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kung gusto man din naman na sa amin iyan na jurisdiction, we have to amend the law," pagtatapos ni Arenas.


Stories We Are Tracking

MTRCB chair plans to regulate films accessible online
MTRCB chair plans to regulate films accessible online


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN