Janice de Belen on Alden Richards and Maine Mendoza: "Ang ganda ng chemistry nila."

IMAGE Noel Orsal

Janice de Belen on working with Alden Richards and Maine Mendoza: "Minsan masarap ding makakita ng love team na, 'they are just working together,' di ba?"


Saksi si Janice de Belen sa masayang tandem nina Maine Mendoza at Alden Richards sa harap at likod ng camera.

Si Janice ang gumaganap na nanay ni Maine sa upcoming Kapuso primetime series na Destined To Be Yours.

Ngunit maging siya ay tumangging magbigay ng opinyon sa matagal nang tanong na kung sina Maine at Alden na ba sa totoong buhay.

Pahayag ni Janice, "Alam niyo, kung ano ang nakikita niyo, yun din naman yun, e.

"Let's say na they are not together.

"Maganda ang working relationship nila.

"Coming from someone who has experienced a lot, minsan masarap ding makakita ng love team na, 'they are just working together,' di ba?

"Siyempre, sa fans, mas maganda na magkakatuluyan sila, di ba?

"Yun naman talaga ang wish niya. Kaya nga may bashers, di ba?

"But you see, if they don't end up together and they continue to be like this, ang ganda.

"Kasi, ang ganda ng chemistry nila."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang reporte si Janice sa grand presscon ng Destined To Be Yours, na ginanap kagabi, February 14, sa B Hotel, Quezon City

Aminado siyang na-curious din siya kung bakit ganito na lang kamahal ng mga tagahanga ang phenomenal love team na mas kilala sa tawag na "AlDub."

Aniya, "Curious talaga ako what made them a phenomenon.

"Like what I said kanina, they work well together.

"Siguro nga kasi si Maine, she's vey unassuming.

"Wala pa siyang pre-conceived notions.

"Si Alden, ngayon ko din makakatrabaho, so wala pang ere."

Siya rin ba wini-wish niya na ang dalawa ang magkatuluyan?

Ayon sa Kapuso actress, "I hope they will have good lives whoever they end up with.

"Hindi mo maipipilit ang bagay na ganun.

"I just hope na they will continue to work like this, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga kay Maine matapos maipalabas ang trailer, 'Ready ka na ba? Ngayon pa lang yung start.'

"Kasi, iba yung sa Eat Bulaga!, iba yung sa movies kasi sa movies, kapag naipalabas na 'yan, wala na.

"This is different 'cause this is everyday.

"Sabihin na natin na it would run for six months, 'pag maganda, mai-extend 'yan.

"This is different.

"Nararamdaman naman niya, nininerbiyos siya."

PRESSURE FROM FANS. Maging si Janice raw ay ramdam ang pressure sa dalawang lead actors ng Destined To Be Yours, na magsisimula sa February 27.

Inihalintulad din ng beterang aktres ang popularidad ng tambalan nina Maine at Alden sa sikat na tambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III, o mas kilala bilang Guy at Pip.

Ani Janice, "Siguro, dahil I've been in this business for almost half of my life, so I know how this business goes.

"The pressure will always be the same, regardless kung noon o ngayon.

"Yung pressure pareho kasi.

"Yung fans, pareho lang naman ang gusto, e.

"Yung fans nina Guy at Pip, isa lang ang gusto—ang magkatuluyan silang dalawa

"Ang love teams ngayon, yun pa rin ang gusto nila.

"Ngayon lang, because of social media, mas may voice sila na makialam, 'di ba?"

Bilang masugid na tagahanga ng Korean telenovelas, naiintindihan daw ni Janice ang pakiramdam ng fans.

Natatawang sagot niya, "Minsan ganun din ako.

"Kapag nanonood ako ng mga Korean telenovelas, iniisip na sana ganun din sa totoong-buhay.

"Then again you say, of course hindi. Alam ko na ito, 'di ba? Ganun talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN