A bad hair day for Angel Locsin? She says, "Ok lang."

IMAGE Instagram

Angel Locsin has a four-word response to the netizen who found her new pixie hair "panget."


Ipinagtanggol si Angel Locsin ng kanyang mga kaibigan at mga fans laban sa isang netizen na inilarawang pangit ang maiksing buhok ng Kapamilya actress.

Ikinuwento ni Angel nitong unang linggo ng February na nasira ang kanyang buhok dahil sa hair treatment na ginamit sa kanya ng pinuntahang salon.

Sa isang recent Instagram post ni Angel para sa pagdiriwang ng kaibigang si Chito Miranda, may isang netizen na may username na @stephlisal_ ang nagkomento at tinawag na pangit ang buhok ng aktres.

Pero paglilinaw ng netizen, idolo niya si Angel pero napapangitan daw ito sa maiksing buhok ng aktres.


Dumipensa naman ang dalawang matatalik na kaibigan ng aktres na sina Bubbles Paraiso at Chito Miranda.

Sagot ni Bubbles, maganda si Angel maiksi man o mahaba ang buhok at sa panlabas o panloob na katangian.

Komento naman ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito, “[S]obrang ganda niya."



Ipinagtanggol din ng fans si Angel laban sa netizen.

Narito ang ilan sa kanila:


Nagpasalamat si Angel kina Bubbles, Chito, at kanyang mga tagasuporta.


Nilinaw naman ng netizen na hindi siya hater ni Angel. Hindi lang daw talaga niya gusto ang maiksing gupit ng aktres.


Maiksi at positibo naman ang sagot ni Angel sa netizen.

“ok lang no prob,” sagot ng 31-anyos na aktres.


Sa isa pang post ni Angel, may isa ring netizen na sinagot ni Chito tungkol pa rin sa isyu ng buhok ni Angel.

Ani Chito, nagagandahan siya sa buhok ng aktres.

Humingi naman ng paumanhin ang netizen kay Chito at di raw nito intensiyong maka-offend.



Stories We Are Tracking

Angel Locsin sheds light on her short hairdo
Angel Locsin sheds light on her short hairdo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN