Social media star Sinon Loresca Jr. affirms his gayness: "Sexy, fierce, fabulous!"

IMAGE @sinonloresca on Instagram

Internet sensation Sinon Loresca Jr. says his character Rogelia in Eat Bulaga! Kalyeserye is not an act. "Bakla po akong talaga!" he declares, "If you go abroad, ang bakla… Bigger than me, sexier than me, loud and proud as me."


Bukod sa kalyeserye ng Eat Bulaga! kunsaan nakilala ang online sensation na si Sinon Loresca Jr. bilang si Rogelia, pumasok na rin siya sa teleserye ngayon.

Pinagpalit ni Sinon ang buhay niya sa London sa pagiging artista dahil bata pa lang daw, pangarap na niya ito.

Aniya, “Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging artista and now na nabigyan ako ng chance sa showbiz industry.

“Sabi ko, I wanna play with it, lalaruin ko ang buhay sa Pilipinas.

"Kasi I'm living my dream at the moment."

Seven years daw na tumira si Sinon sa London at nagtrabaho bilang salesman sa Burberry retail shop.

Sinimulan lang daw niya ang pagvi-video sa sarili at pagpu-post nito sa Internet noong isang taon.

Lahad niya, “Nagsimula lang po ako last year and my first was the boxing video.

“It was one of my famous videos, it hit forty-eight million views."

Ayon pa sa kanya, umabot sa halos 30 million views ang Miss Universe video niya kaya kamakailan lang ay may imbitasyon na siyang natanggap mula sa isang U.S. TV show. 

"Sobrang nag-viral worldwide nang mag-catwalk ako.

“Pati nga po ang Cosmopolitan, U.K. Mail, Yahoo Philippines, lahat sila, nilagay nila ako sa website nila.”

May mga viral video rin si Sinon na ipinapakitang tumutulong siya sa ilang pamilyang nasa kalye lang.

Aniya, "Yun naman po talaga ang pangarap ng lahat, yumaman tayo at makatulong sa kapwa.”

Nakausap si Sinon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa unang araw ng taping ng Impostora, ang bagong afternoon prime ng GMA-7.

FIERCELY FABULOUS. Si Sinon, tubong Masbate, ay 28 years old. 

May dahilan kaya raw nakarating siya ng London, "Nagkasakit ang kapatid ko kaya emergency na nakapunta ko run.” 

Pero ayaw niya munang mag-detalye ng buhay niya dahil ipapalabas daw ang kanyang istorya sa Magpakailanman.

Nabanggit rin niya na nakabili siya at nakatira sa isang condo unit sa Bonifacio Global City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro itong mayaman pala siya dahil kadalasan ang mga nakatira run ay mayayaman.

"Maganda lang po ako at sexy, pero hindi ako mayaman," tugon agad ni Sinon.

Pero bakla nga ba siya?

Isa kasi sa ibinabato sa kanya bilang Rogelia ay inaarte lang daw niya ito.

"Bakla po akong talaga, dyusko," diin niya.

“Ang akala kasi nila sa henerasyon ng bakla ngayon, pa-girl, may suso. 

“If you go abroad, like London, ang bakla run, like me. 

“Bigger than me, sexier than me, loud and proud as me," may pagmamalaking sabi niya.

Hirit pa ni Sinon, "In showbiz industry, they cannot find someone like me. 

“Kahit sabihin pa nila kung saang istasyon 'yan, nag-iisa lang ako.

"Sexy, fierce, fabulous!”

Tuwang-tuwa nga raw sa kanya ang mga kasamahan niya sa kalyeserye ng Eat Bulaga! na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

"Hay naku, tuwang-tuwa si Kuya Jose at masaya kami tuwing may taping kami,” bulalas pa ni Sinon.

Ang itinuturing naman idolo ni Sinon sa mga artista ay ang kasamahan din niya sa Eat Bulaga! na si Paolo Ballesteros.

"Idol ko si Paolo at sabi ko, kung bibigyan ako ng role na mga ganun, kaya ko," saad niya.


A CHALLENGE. Ikalawang teleserye na ni Sinon ang Impostora. At natsa-challenge raw siya ngayon dito.

Ginagampanan ni Sinon ang karakter na Maxie Cadena, best friend ng isa sa katauhan ni Kris Bernal.

"Mas bagay raw kasi sa character ko na bakla pa rin siya, pero lalaki, malaking katawan.

“Maxie, masculine, parang ganun."

Pagbabahagi pa sa kanya, “I made two movies na rin po, Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend at Enteng Kabisote

“Sabi ko, na-try ko na ang movie, mas challenging sa akin ang teleserye.

“Kasi mahaba ’tapos talagang nati-train yung acting career mo."

Challenge lang, ano ang isasagot ni Sinon sa naging tanong kay Maxine Medina sa nakaraang Miss Universe?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Significant event? Well, in ten years time, ngayon kasi, maano na tayo sa social media.

“This is a typical viral. Like me, I'm one of the examples of it.

"Eat Bulaga! discovered me because of my social media, nag-viral lahat ng video ko.

“This is significant ngayon at, higit sa lahat, if you use the Internet, make sure that it makes sense.

“Na ang mga tao, may matutunang aral sa ating lahat.

"So 'yan ang pagkakaiba ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN