Sharon Cuneta, Mayor Erap Estrada, Mother Lily Monteverde attend final night of wake of Herbert Bautista's dad

IMAGE Arniel Serato

Mayor Herbert Bautista's father will be laid to rest today, February 16.


Iba’t-ibang personalidad ang namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, February 15, sa huling lamay ni Herminio "Butch" Bautista, ama ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, sa Loyola Memorial Chapels, Commonwealth, Quezon City.


Mga pulitiko, artista, kaibigan at kamag-anak, maging mga ordinaryong mamamayan, ay nakidalamhati sa pamilya Bautista.

Kabilang sa mga nakilamay ay ang Megastar Sharon Cuneta at asawa nitong si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Nakatrabaho ni Megastar si Bistek sa pelikulang Jack and Jill noong 1987 at Jack and Jill sa Amerika noong 1988.

Nagkaroon din ng special participation si Sharon bilang Darna sa Captain Barbell noong 1986. Si Herbert ang gumanap na Tengteng, ang human counterpart ni Edu Manzano na siyang Captain Barbell.


Dumating din ang Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Ang kauna-unahang pelikula ni Bistek na OH My Mama ay iprinodyus ni Mother Lily.


Nakiramay din ang dating presidente at ngayon ay alkalde ng Maynila na si Mayor Joseph "Erap" Estrada.


Sina Herbert at Harlene Bautista lamang ang nasa chapel dahil kasalukuyang nasa rehab ang isa pa nilang kapatid na si Quezon City Councilor Hero Bautista.

Nasa lugar din ang asawa ni Harlene na si Romnick Sarmenta na sandaling nakikipag-usap sa PEP at ilan pang media na pumunta sa lamay.

Ngayong araw, February 16, ang libing ni Butch sa Novaliches, matapos ang necrological services na gagawin sa Quezon City Hall.

Nakatakdang dumalo si Hero sa pagtitipon.

Pumanaw ang ama ni Mayor Herbert noong February 12, ganap na ika-7:55 ng gabi sa edad na 82 sa Philippine Heart Center.

Ang ama ni Mayor Herbert ay dating aktor, manunulat, at direktor. Naglingkod din siya bilang dating konsehal ng lungsod at kapitan ng Barangay Immacualte Concepcion.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN