Will Lotlot de Leon allow daughter Janine Gutierrez to do a sexy pictorial for FHM Magazine?

IMAGE Preview Magazine / Mark Atienza

"Hindi pa siguro ngayon. Maybe later on, if she does decide to do something like that, then nandito lang naman kami to support her," sabi ni Lotlot de Leon nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papayagan niya ang anak na si Janien Gutierrez na gumawa ng sexy pictorial para sa FHM Magazine. 


Aprubado raw ni Lotlot de Leon ang sexy calendar pictorial ng anak niyang si Janine Gutierrez para sa isang endorsement.

 

Ito ang unang pagkakataong pumayag ang 27-year-old Kapuso actress na magsuot ng two-piece bikini.

 

Pahayag ni Lotlot, “Tinanong ko din muna what they were expecting from Janine. But I know, kumbaga, in the end they were all naman decent and she looked naman fantastic and maganda naman ang kinalabasan.”

 

Nakita rin daw ni Lotlot ang storyboard bago isinagawa ang pictorial ni Janine.

 

Kung sexy pictorial para sa FHM Magazine, papayagan ba ni Lotlot ang anak?

 

Sagot ng Destined To Be Yours actress, “Hindi na muna siguro. Kasi parang hindi na rin naman niya kailangan sa ngayon. 

 

“Although siyempre, FHM naman is a really good magazine… And I would like to see it as empowering women, di ba?”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa pag-aari nitong restaurant, ang The South Grill sa BF Homes, Parañaque City, noong Martes ng gabi, February 14. 

 

Dito ay kusang binanggit ni Lotlot ang mga de kalidad na aktres na may sexy pictorial sa FHM Magazine.  

 

Dugtong ni Lotlot, “Sila Eula Valdes, sina Marian Rivera... And they’re all decent women so hindi siya…

 

“So, you shouldn’t look at it na parang binababa niya ang stature ng isang babae. Hindi dapat.

 

“You’re proud as a woman with what you have.”

 

Ayon kay Lotlot, may tamang panahon kung kalian puwede na ring gawin iyon ng anak niyang si Janine.

Aniya, “Hindi pa siguro ngayon. Maybe later on, if she does decide to do something like that, then nandito lang naman kami to support her.”

Noong 2015, pumayag si Janine na magsuot ng one-piece swimsuit sa cover ng Preview Magazine, na sister magazine ng FHM Magazine sa Summit Media. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN