Alden Richards missed doing teleserye: "Para po akong pumurol sa acting."

IMAGE Noel Orsal

Alden Richards admits he needed some adjustments when he started doing Destined To Be Yours, "Pakiramdam ko po ang dami ko pong puwedeng ibigay para sa soap na ito."


Mahigit dalawang taon nang hindi napapanood ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa isang primetime series ng GMA-7.

Ibig sabihin, ganoon katagal na siyang hindi gumagawa ng teleserye.

Maliban sa special guest appearance niya telefantasyang Encantadia, huling naging bahagi ng teleserye si Alden sa Ilustrado, ang docu-drama ng GMA News TV tungkol kay Jose Rizal noong 2014.

Kaya sa unang teleserye nila ng kanyang ka-love team na si Maine Mendoza, ang Destined to be Yours, aminado si Alden na malaki ang pagbabagong naramdaman niya.

"Mayroon po akong feeling na para po akong pumurol sa acting," sabi ni Alden.

Dagdag pa niya, "Sobrang laking adjustment po. Kasi, live ang 'Kalyeserye,'" sabi ni Alden.

Ang tinutukoy niya ay ang mala-teleseryeng segment ng Eat Bulaga!, na pinagbidahan nila ni Maine.

"Malaking adjustment po, like si Direk I [Irene Villamor] po, gina-guide niya po kami.

"Pero sobrang saya ko po kasi, na-miss ko pong gumawa ng teleserye, dun po ako nag-start.

"Parang pakiramdam ko po ang dami ko pong puwedeng ibigay para sa soap na ito."

Mabuti na lamang at sanay na sila ni Maine na magkasama sa "Kalyeserye,” sa endorsements, at maging sa pelikula.

Kaya nang kumustahin ng entertainment reporters ang samahan nila ngayon sa Destined To Be Yours, sagot ni Alden, "Ganun din naman po, kahit anong trabaho naman po naming magkasama na gawin ni Maine, it's always been very easy to work with her.

"Sa 'Kalyeserye,' sa teleserye, at ngayon nga po, meron na kaming soap-opera together, wala na rin pong nagbabago sa working relationship, ganun pa rin po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Alden sa press conference ng Destined To Be Yours, na ginanap noong gabi ng Martes, February 14.

HELPING MAINE. Binabalikan na lang ngayon ni Alden ang dati na niyang ginagawa, ang umarte para sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa parte ni Maine, isa itong panibagong pagkakataon para sa katulad niyang maituturing pang baguhan sa industriya.

Paano tinulungan at sinuportahan ba ni Alden ang kanyang leading lady?

"Sa mga unang days po namin, talagang hindi po maiwasan na si Maine na nagkakasakit po, yung adjustments po.

"Sa soap opera po kasi, malaki po ang demands sa actors. Minsan kahit alas-tres na ng umaga, kailangan pa rin naming i-deliver yung scene.

"Yun po, sinasabi ko sa kanya na masasanay ka rin kasi, ganun talaga sa simula.”

Nabanggit din ni Alden na walang problema si Maine sa pakikitungo sa mga kasamahan nila sa teleserye.

Aniya, "Si Maine po kasi, parang... since iba po sa mga kasama namin dito at nakasama ko na before, ang galing po niyang jumive.

"Ang kailangan lang po ni Maine, halimbawa, first time niyang makikilala, ako lang po ang magpapakilala.

"Magaling pong mag-blend 'to.”


Stories We Are Tracking

Does Maine Mendoza consider Alden Richards as her destiny?
Does Maine Mendoza consider Alden Richards as her destiny?

SECOND ANNIVERSARY. Nagsimula sa aksidenteng kilig ang love team nina Alden at Maine sa Eat Bulaga! Ilang buwan na lamang ang magdiriwang na sila ng kanilang ikalawang anibersaryo.

Ayon kay Alden, habang tumatagal, mas lalo naman daw niyang nakikilala si Maine, at mas kumportable na sila sa isa't-isa.

"Habang tumatagal po, mas lumalabas po ang tunay na Alden, mas lumalabas po ang tunay na Maine.

"With the projects that we're doing, we personally get to know din po a deeper knowledge of each other, mas lumalalim po.”

Gayunman, nilinaw ni Alden na walang pressure sa isa't-isa at sa kung anuman ang meron sila ngayon.

"Everything about Maine and I po kasi, we just let life play along and we just live with it po.

"Kasi we live in an industry po na there's a lot of pressure, a lot of demands, clamors.

"So kumbaga, if we don't feel like doing things that we want to do, we just let it be po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang nagpapaka-totoo lang po kami. Pinapakita po namin kung ano po kami sa isa't-isa at kung ano po kami as partner.

"I guess, yun din po ang minahal ng mga tao sa amin.”


Stories We Are Tracking

Gardo teases Maine and Alden, 'Kayo na ba?'
Gardo teases Maine and Alden, 'Kayo na ba?'
Janice on Alden and Maine: 'Ang ganda ng chemistry nila.'
Janice on Alden and Maine: 'Ang ganda ng chemistry nila.'

NO VALENTINE GIFT? Samantala, ikalawang Valentine's Day na nilang dalawa ngayong taon bilang magka-love team.

Ngunit sa pagkakataong ito, sa halip na mag-date ay nakasama nilang dalawa ang mga reporters dahil sa press conference ng Destined To Be Yours.

Kapansin-pansin din noong press conference na tila hindi maganda ang pakiramdam ng dalawa.

Ganunpaman, trabaho pa rin daw ang naging Valentine's Day nila.

Ayon kay Alden, "Rehearsal po kami ng sayaw namin, 8AM tapos tuloy-tuloy na po."

Dahil sa sobrang abala raw sila, inamin ni Alden na hindi pa niya nabibilhan ng Valentine's gift ang ka-love team.

"Busy po talaga, wala po talagang time na bumili.

"Halos hectic po ang schedules namin this past few years, halos araw-araw kaming may work,” pag-amin ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN