Gerald Anderson calls Bea Alonzo his "special someone"

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson on relationship status with Bea Alonzo: "Kung maging kami, bakit ko naman itatago yun?"


Nanindigan si Gerald Anderson na hindi pa sila magkasintahan ni Bea Alonzo.

Pero hindi naman nito tinanggi na may puwang ang dalaga sa kanyang puso.

Nang tanungin kung madalas ba silang mag-date, aniya, “Siyempre po, yung special someone ko na dini-date ko ngayon, very busy also.

"Alam mo yun? Tantiyahan at adjusting ang kailangan."

Kahit makailang-beses na silang namataang magka-holding hands? Kahit nagbakasyon sila sa Singapore at Japan kasama ang mga kaibigan noong nakaraang taon?

Paliwanag ni Gerald sa estado nila ni Bea, “Again, alam kong nakakasawang pakinggan, pero hindi naman po kami nagmamadali.

“Ang dami pa po naming nalalaman sa isa’t-isa. Ang dami kong natutunan sa kanya.

“Sana marami rin siyang natutunan sa akin.

“So ang sarap din nung feeling na, bilang lalake, i-share mo sa kanya yung ginagawa mo at na-i-enjoy din niya.

“So hindi po ako nagmamadali.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa presscon ng 25th anniversary ng Star Magic, na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN, noong Linggo, Pebrero 12.

Ayon pa sa aktor, hindi niya itatago sa publiko sakaling maging sila na ni Bea.

“I mean, sanay naman na kayo sa akin na napaka-private kong tao. Pagdating sa relationship, hindi naman ako masyadong open.

“But kung maging kami, bakit ko naman itatago yun?”

Malaking bahagi raw si Bea kung bakit inspiradong magtrabaho nang husto si Gerald.

Dugtong niya, “Of course, yun po ang point kaya kami nagdi-date, kaya kami nag-spend ng time kasama ang isang tao, kasi na-i-inspire ka at sana na-i-inspire mo rin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN