Gerald Anderson dismisses rumors linking him to ex-girlfriend Kim Chiu

IMAGE Noel Orsal

"Happy lang ako na nakakasama ko siya ulit. Walang words na puwedeng i-describe yung saya ko. Kasi siyempre ten years ago kasama ko siya. Wala rin ako dito kundi dahil sa kanya," paglalarawan ni Gerald Anderson sa working relationship nila ni Kim Chiu.


Ayaw nang palakihin ni Gerald Anderson ang diumano’y pagiging sweet nila ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu.

Kaugnay ito ng kumalat na larawan ng dalawa na kuha mula sa Christmas party ng cast at staff ng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Pero noon pang December 2016 ay mariin nang pinabulaanan ni Kim ang isyung nag-uugnay sa kanila ng binata.

READ: Kim Chiu slams netizen accusing her of getting cozy with ex-boyfriend Gerald Anderson

Pahayag ni Gerald sa isyung nagu-ugnay sa kanila ni Kim: “Hindi po maiiwasan yun…

“Happy lang ako na nakakasama ko siya ulit. Walang words na puwedeng i-describe yung saya ko.

“Kasi siyempre ten years ago kasama ko siya. Wala rin ako dito kundi dahil sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa 25th anniversary presscon ng Star Magic, na ginanap sa ABS-CBN compound noong Linggo, Pebrero 12.

Magkasabay na sumabak sa showbiz sina Kim at Gerald pagkatapos nilang makilala sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006.

Mula sa pagiging magka-love team ay nauwi sa totohanan ang relasyon nila.

Pero inamin nila naging magkasintahan sila matapos nilang maghiwalay noong 2010.

Pagkalipas ng anim na taon, balik-tambalan sina Gerald at Kim na gaganap bilang triathletes sa nalalapit na ABS-CBN primetime soap.

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP, inilarawan ng binata kung paano ang samahan nila ni Kim sa set.

Aniya, “It’s good to catch up ulit sa taping.

“Sobrang excited ako kasi siya din naa-addict din siya sa pagba-bike.

“We’re doing something na nae-enjoy namin.”

Iginiit din ni Gerald na positibo siya sa bawat aspeto ng kanyang buhay ngayon.

Aniya, “Isa lang ang na-realize ko na kailangan mong i-enjoy ang moment, e.

"Isip ako nang isip dati, kaya ako nai-stress. Kapag ini-interview ako, iniisip ko kung ano dapat kong sabihin.

"Iniisip ko, 'Pagsisihan ko ba ito o hindi?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ini-enjoy ko ito, bawat minuto. Kung mali man, sorry. Ini-enjoy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN