Diego Loyzaga tweets about not being accepted and loved by his father Cesar Montano

IMAGE Instagram

Diego Loyzaga hits back at bashers who throw criticisms and threats at him for allegedly using illegal drugs. 


Sinagot ni Diego Loyzaga ang ilang bashers na bumatikos sa kanya kaugnay pa rin ng away nila ng kanyang amang si Cesar Montano.

February 7 nang maglabas ng sama ng loob si Diego sa kanyang social media account laban kay Cesar.

Dito, binanggit ni Diego ang pagbabanta umano sa kanya ni Cesar na ipapadampot ito sa pulis kapag hindi nito tinigil ang diumano’y paggamit ng droga.

Sinabi pa ni Diego na pinalayas daw siya sa bahay na ibinigay sa kanya ng ama.


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga gets support from mom and half-sisters
Diego Loyzaga gets support from mom and half-sisters

Sa Twitter noong February 8, may ilang netizens na sinagot si Diego dahil sa pambabatikos at pagbabanta sa kanya.

Sunud-sunod ang tweet ng netizen na may user name na @GAYlacierda kay Diego at kinukutya ang aktor sa umano’y paggamit ng drugs nito.

Sagot naman ni Diego sa pagkutya sa kanya ng netizen, “[D]i mo alam gaano ka kaswerte na tanggap ka ng tatay mo at mahal ka niya. Di ko alam kung anong feeling nun. Di natin away to.”

Tinanggap pa ni Diego ang hamon ng netizen na sabay silang magpa-drug test sa Philippine Drug Enforcement Agency.



Isa pang netizen, na may Twitter handle na @SofiaAn59859439, ang pinagbantaan si Diego na ilalabas niya ang ebidensiya niyang video na nagpapakita umano na nagwi-weed ang binatang aktor kasama ang mga kaibigan nito.

Sinagot ito ni Diego at sinabi nitong naghihintay lang siya sa ebidensiyang ilalabas ng netizen.



Tila nahimasmasan naman si Diego nang mag-tweet ang isang tagasuporta nito at hinimok  siya na sumagot sa mga tagasuporta nito kesa sagutin ang mga bashers niya.

Samantala, naglabas na rin ng panig si Cesar tungkol sa isyu at sa pamamagitan ng spokesperson nito na si Shirley Pizarro ay sinabi niyang concern lamang siya sa anak at gusto niya itong mapabuti.


Stories We Are Tracking

Cesar Montano hurt over son Diego's outbursts
Cesar Montano hurt over son Diego's outbursts
Cesar Montano just concerned with son Diego
Cesar Montano just concerned with son Diego

 

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN