Erich Gonzales and Daniel Matsunaga meet up; put an end to alleged money issue

IMAGE @dandanmatsunaga on Instagram

Para matigil na ang hindi matapua-tapos ng ispekulasyon tungkol sa dahilan ng hiwalayan, nagkita sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga kahapon. Ngayong gabi, lilipad ang dalawa sa U.S. para sa isang show.


Muling nagkita ang dating magkasintahan na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales kahapon, February 15.

Ito ay upang mapag-usapan ang naging gusot at maayos ang anumang hindi pagkakaunawaan sa kanilang hiwalayan.

Ayon sa pahayag ng Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN na in charge sa career ni Erich—kinumpirma ng dalawa na hindi pera at third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan.


Saad pa sa statement na nakalathala rin sa ABS-CBN News Online, “Nagharap kahapon sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa Star Magic office para pag-usapan ang mga issues na may kinalaman sa kanilang hiwalayan.

“Naging maayos ang usapan nilang dalawa. Walang kinalaman ang pera o third party sa kanilang paghihiwalay.

“Pakiusap nina Erich at Daniel na huwag idamay ang kanilang pamilya sa issue. Hiling rin ng dalawa ang pag-unawa at pagkakataong maayos nang pribado ang kanilang relasyon. Maraming salamat po." 


Stories We Are Tracking

Erich Gonzales: 'They want me to speak up, I will tell all.'
Erich Gonzales: 'They want me to speak up, I will tell all.'
Vanessa asks Erich 'to please address money issue'
Vanessa asks Erich 'to please address money issue'
Erich confirms breakup with Daniel:
Erich confirms breakup with Daniel: "It's over."
Daniel Matsunaga and Erich Gonzales break up?
Daniel Matsunaga and Erich Gonzales break up?

Si Daniel ay talent ni Jonas Gaffud.

THE SHOW MUST GO ON. Hindi nagdetalye pa ang Star Magic kung paano nangyari ang meeting at kung sino ang nag-initiate.

Pero naganap ito matapos umapela ang kapatid ni Daniel na si Vanessa Matsunaga-Sunga na linawin ni Erich ang tungkol sa money issue.

Read: Vanessa Matsunaga to Erich Gonzales: "I honestly wish you had addressed the money issue."

Sumagot naman si Erich na handa na kapag na-provoke siya, "I will tell all."

Read: Erich Gonzales on breakup with Daniel Matsunaga: "They want me to speak up...I will tell all."

Pero dahil sa naturang meeting, tila tutuldukan na ng magkabilang kampo ang isyu.

Sa ngayon, pareho nang deactivated ang comment section ng mga Instagram accounts nina Erich, Daniel, at Vanessa.

Samantala, ayon sa ulat ng TV Patrol ngayong gabi, February 16, tuloy ang show ng dalawa sa Amerika at nakatakda silang lumipad ngayong gabi, February 16.

Hiningan na rin namin ng pahayag ang pamilya ni Daniel pero hanggang ngayon ay wala pa itong sagot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN