Daniel Padilla all praises for Sarah Geronimo: "Napakabait na tao."

IMAGE Allan Sancon

Hindi raw nagselos ang girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo sa ASAP production number ng aktor kasama si Sarah Geronimo. Idolo rin kasi ni Kathryn si Sarah.


Usap-usapan sa social media ang duet nina Daniel Padilla at Sarah Geronimo ng awiting "Ako'y Sa ‘Yo at Ika’y Akin Lamang" sa ASAP noong nakaraang Linggo, February 13, sa ABS-CBN.

Ito kasi ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng production number.

Bes, naka-move on ka na ba sa duet ni Daniel at Sarah G Todo ang #ASAPFebEver feels!

A post shared by ASAPOFFICIAL (@asapofficial) on

Kuwento ni Daniel, siya raw mismo ang humiling sa big boss ng Star Magic na si Johnny Manahan (Mr. M) na bigyan siya ng proyekto kasama si Sarah.

Kaya isang malaking karangalan para sa kanya na unti-unti ay natupad ang kanyang pangarap na makatrabaho ang dating The Voice coach.

Saad niya, “Sabi ko kay Mr. M, kung magkakaroon man ako ng movie na kasama ay iba ay si Miss Sarah Geronimo, yun lang naman yun.

“Sabi niya siya na raw bahala. Grabe yun, iba ang epekto sa akin nun, malaking impact nun.

“Napakagaling na tao, ang galing kumanta, ang galing sumayaw, ang galing umarte, napakabait na tao.”

Sa ilang bahagi ng kanilang pag-awit, mapapansing medyo nahihiya at naiilang pa ang aktor kay Sarah.

Pag-amin ni Daniel, “Siyempre si Sarah Geronimo yun and ever since naman talagang iniidolo ko na yung babaeng yun. Napakalupit ng woman na yun saka para maka-duet mo siya, karangalan talaga sa akin. Ang saya!

“Kinakabahan ako grabe, sabi ko, ‘Naiilang ako, nahihiya ako,’ kasi siyempre Sarah Geronimo duet so mabigat sa akin yun.

“Nahihiya ako, napakagaling na tao pero ang saya ng prod, gustung-gusto ko yun.

“Buti nga lang tapos na yung kanta kung di baka wala na, hindi na ako nakakanta nun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Daniel sa backstage ng Araneta Coliseum pagkatapos nitong mag-guest sa concert ni Vice Ganda na Pusuan Mo Si Vice Ganda sa Araneta: Nagmahal, Nasaktan, Nag-concert nitong nakaraang Martes, February 14.

KATHRYN NOT JEALOUS. Walang malisya sa kanilang production number kaya walang dapat ipagselos ang girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paniniyak ni Daniel, “Bakit naman? Kahit naman siya, isa sa iniidolo niya ay si Miss Sarah Geronimo. Saka wala namang malisya yun. Natuwa din siya dahil idol niya rin si Sarah.”

Marami na rin ang nag-aabang kung kailan muli ang concert ni Daniel sa isang malaking venue.

Aniya, kailangang paghandaan ito.

“Sa August yata. Pag handa na ang lahat, ayoko kasi siyempre nang minadali at mangapa.

“I mean kailangan talaga na maganda ang rehearsals, lahat, para mabigyan din natin ng magandang show ang mga fans.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN