Wendell Ramos admits being inspired by Albert Martinez among greying matinee idols

IMAGE Noel Orsal

Actors in various shades of grey are making a successful comeback, and Wendell Ramos happily joins the crowd. He says, "Yung viewers, yung pananaw nila, lumalawak na rin. Hindi na lang pa-tweetums, love story… Pati yung mga bata na magma-mature, hindi na nila iisiping mawawalan sila ng work."


Medyo natagalan bago nasundan ang huling serye ni Wendell Ramos na Pasion de Amor sa Kapamilya Network.

Hindi naman nito itinanggi na nakaramdam siya nang pagkainip, ”Medyo, medyo lang.

"But it's part of our job, siyempre, may mga instances na hindi mo ine-expect.

“Pero the good thing is, 'eto, meron na agad na bagong show.

"And patient lang and grateful ka lang kung ano ang dumarating."

Ang tinutukoy ni Wendell ay ang bagong panghapong serye ng ABS-CBN na solong pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Ito ang Wildflower, na nagsimula nitong Lunes, February 13.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa presscon ng teleserye noong Miyerkules, February 8, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

AGE FACTOR. Ayon pa kay Wendell, “To be honest, hindi ko naman ine-expect na ako ang makukuha rito sa Wildflower.

"Sa age ko, parang ako lang. Si Christian [Vasquez], namatay, e, hindi ko rin naman naisip na ganun.”

Nauuso na yata ngayon na kung kailan tumuntong sa edad na 40 ang ilang artistang lalaki, parang matinee idol ang paningin ng mga manonood sa kanila.

Tulad nga nina Richard Yap at Ian Veneracion.

Saad ni Wendell, “Yun na talaga yun.

“Hindi ko naman sinasabing kailangang mag-forty ka bago ka magkaroon ng break.

“Feeling ko, parang medyo iba na rin ang level ng mga viewers natin ngayon.

“Unang-una, merong isang problema sa pamilya, sa pag-ibig, sa mag-asawa.

“Hindi naman usually nangyayari 'yan pag mga twenties, para lang nagiging reality na.

“Nag-start 'yan sa Hollywood—sina Richard Gere, bakit nakabalik sina Robert Downey?

“’Yan kasi ang age ng tao, kapag namroblema."

Sinabi pa ni Wendell na bago pa sina Richard at Ian, kay Albert Martinez pa lang daw ay nakakuha na siya ng inspirasyon.

“Siya talaga ang nag-start, after ng soap opera niya sa GMA, nag-ABS-CBN, siya yung una.

“Si Sir Chief nang makita ko siya sa ABS, kinongratulate ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang nakikita kong nagwu-work, nag-eenjoy ako, natutuwa ako.

"Hindi lang para magkaroon ako ng raket, pero yung viewers, yung pananaw nila, lumalawak na rin.

“Hindi na malilimitahan ang projects ng bawat isa.

“Hindi na lang pa-tweetums, love story, puwede nang lumawak… hindi na nagkakaroon ng limit.

“At pati yung mga bata na soon-to-be, magma-mature, hindi na rin made-depress.

“Hindi na nila iisiping mawawalan sila ng work."

Hindi naman daw sa dumaan siya dun, “I feel blessed na hindi naman ako nawawalan ng projects."

ABS GALORE. Tatlo ang lumalabas na leading men ni Maja sa serye. Sina RK Bagatsing, Vin Abrenica, at Joseph Marco, na pawang nagpapakita ng kani-kanilang abs sa naturang serye.

Kumento ni Wendell, “Ngayon na lang naman naging in-demand sa TV ang pagpapakita ng abs.

“Ngayon kasi, bawat soap opera kailangan may sexy.

“Kahit 'di ganoon ka-liberated, kailangan lang may konting skin."

Magpapakita rin ba siya rito?

"Tingnan na lang natin," nakangiti niyang sabi.

"Pero yung mga unang nakunan, nakahubad lang naman ako, pero hindi pa, hindi pa naman prepared."

Kaya bang makipagsabayan ni Wendell sa tatlong young male stars ng serye nila?

Tugon niya, "Hindi ko iniisip na higitan or pantayan ko ang ginagawa nila, but I'm happy for them.

“At least, namu-motivate sila. Siyempre, as an actor, I'll do the same thing din.

"Baka nga mamaya, hingin sa eksena ko kay Aiko, kay Sunshine.

“We'll never know, baka mamaya, si Maja, i-seduce rin ako.

“Siguro dapat, prepared rin… magpaganda ng katawan, magpa-fit pa.”

Sa isang banda, silang tatlo nina Aiko Melendez at Sunshine Cruz ang ilan sa mga orihinal na magkakasama noon sa gag show na Bubble Gang sa GMA 7.

Sila pa rin ang magkakasama sa Wildflower at masasabing pinagkakatiwalaan ng Kapamilya network na makaka-deliver.

Anong pakiramdam niya run?

“Ano lang 'yan, e, nagma-materialize lang yung mga ginagawa mo sa previous.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko, kaya kami nandito sa ABS dahil nakapag-trabaho naman kami nang maayos.

“Nagawa namin nang maayos yung gusto ng mga network, napagsama-sama pa rin kami."

Masaya nga raw si Wendell sa narinig niyang sinabi sa kanya ng Business Unit head nilang si Direk Ruel Bayani.

"Sinabi ni Direk Ruel, ‘Ang ganda ng na-preview ko.

“‘Kontrabida ka, bad guy, but at the same time, meron kaming awa na naaano sa 'yo.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN