Amy Perez's househelper arrested for qualified theft

IMAGE Screengrab from ABS-CBN (Amy)

Amy Perez on the arrest of their househelper: "Naaawa ako, pero baka daw marami pang mabiktima pag di ikulong."


Arestado ang kasambahay ni Amy Perez-Castillo dahil sa reklamong pagnanakaw.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, natuklasan ni Amy at ng asawa niyang si Carlo Castillo ang pagnanakaw ng kasambahay na si Melrose Buli-Buli, a.k.a. Rose Besona, nang magpaalam itong magde-day off.

Ilan sa mga sinasabing ninakaw ay ang P12,000 na galing sa monthly dues ng mga kapitbahay na ibinilin sa kanya at tatlong mamahaling relo ng mag-asawa na aabot sa halagang P260,000.

Nalaman nina Amy at Carlo na itinakbo rin nito ang pera mula sa ilang kapwa kasambahay sa kanilang lugar.

Itinuring daw nilang miyembro ng pamilya si Rose, pinagkatiwalaan at kasama sa halos lahat ng kanilang mga lakad.

“Hirap din ng sobrang bait. Naaawa ako, pero baka daw marami pang mabiktima pag di ikulong,“ ang sagot ni Amy sa text message na ipinadala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Umagang Kay Ganda host kanina, February 17.

Nadakip si Rose sa entrapment operation ng Special Operations Unit ng Quezon City Police District.

Nakuha mula rito ang mga relo ng mag-asawang Castillo ngunit wala na ang mga pera.

Sinampahan ng reklamong non-bailable qualified theft ng mag-asawang Amy at Carlo ang kanilang dating kasambahay.

Nang maaresto, inamin ni Rose na matagal na nitong kinukunan ng mga pagkain, gamit, at pera ang kanyang mga amo, at ginagawa niya ito sa tuwing umaalis ng bahay sina Amy at Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN