John Regala suffers high blood pressure in public, rushed to hospital

IMAGE Facebook: Bhadloy Lopez

Nahirapang huminga at naninikip daw ang dibdib ni John Regala habang nasa labas ng isang supermarket sa Cavite kaya isinugod ito sa isang ospital doon. Wala pang karagdagang balita sa sitwasyon nito sa ngayon.


Inatake daw ng high blood pressure ang magaling na kontrabidang si John Regala. Ito ay base sa post ng isang netizen sa Facebook noong Huwebes, February 16.

Nangyari raw ito sa labas ng isang supermarket sa Zapote, Cavite.

Walang ibang detalye na ibinigay ang Facebook user na si Bhadloy Lopez kundi, “John regala inatake sa savemore sa sapote kanina.”

Nakipag-ugnayan kaagad ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nasabing netizen sa pamamagitan ng Facebook messaging umaga ng Sabado, February 18, upang humingi ng karagdagang detalye sa pangyayari.

Kaagad namang sumagot si Bhadloy sa PEP. Ayon sa kanya, bandang 3:45 daw ng hapon nangyari ang atake ng aktor.

Dagdag pa niya, “Nanikip po ang dibdib niya and nahirapang huminga.”

Hindi naman daw niya nilapitan pa dahil may mga tumulong na daw dito. Hindi rin niya alam kung anong ospital isinugod.

Magbibigay kami ng update sa artikulong ito kapag may nakuha pa kaming detalye sa nangyari kay John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN