Alden Richards hospitalized due to acute pharyngitis tonsillitis

IMAGE @aldenrichards02 on Twitter

Kailangan daw ng Kapuso actor na si Alden Richards ng total rest kaya mahigpit na ipinagbabawal sa mga fans ang pagbisita sa kanya sa kanyang hospital room.


Kasalukuyang nagpapahinga sa isang ospital si Alden Richards dahil sa acute pharyngitis tonsillitis.

Ayon sa mga ulat ngayong araw ng Sabado, February 18, nitong Miyerkules daw napagdesisyunang ipa-confine na ang actor dahil kailangan na nito ng total rest.

Noong nakaraang February 14, sa grand presscon ng Destined To Be Yours nila ni Maine Maendoza, hindi na lingid sa kaalaman ng mga miyembro ng entertainment press na may iniindang karamdaman si Alden.

Mahigpit naman daw na ipinatupad sa ospital ang ‘Strictly, no visitors allowed’ dahil may fans pa rin daw ang aktor na nakaabang sa labas ng ospital.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN