Sheena Halili happy for brewing friendship with Maine Mendoza

IMAGE Kapusoprgirl Instagram

Sheena Halili feels good about her blossoming friendship with Destined To Be Yours lead star Maine Mendoza: "Natutuwa ako na naging magkakaibigan kami. Actually, ang saya. Ang saya talaga!"


Tanggap na ng Kapuso star na si Sheena Halili kung ang label na naididikit sa kanya ay "best friend ng bayan."

Kadalasan kasi, ang papel na ginagampanan niya sa mga teleserye ay best friend ng mga bida.

Sa katunayan, ang phenomenal star na si Maine Mendoza naman ang magiging best friend niya sa kanilang primetime series na Destined To Be Yours.

Sa grand prescon ng Destined To Be Yours na ginanap noong February 14 sa B Hotel sa Quezon City, kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal, "Actually, ayoko na rin siyang...

“Kumbaga, kung leading man ako, naka-partner ko na lahat ng stars ng GMA.

“Lahat ng leading ladies na magaganda at sikat, naka-partner ko na.

"Siyempre, masaya ako, dahil hindi lang naman trabaho ang na-gain ko run kung hindi friendship.

“Nagkikita-kita pa rin kami kapag hindi na kami magkakatrabaho."

GOOD FRIENDS. Kabilang sa mga nabanggit ni Sheena na naging best friend niya sa serye ay sina Carla Abellana at Marian Rivera. Sa kinalaunan, kahit off-cam ay naging magkaibigan na sila.

Lahad niya, "Si Carla, noong namatay ang pet ko na si Pepper, siya ang tumulong sa akin.

“Siya ang tumulong sa akin kung saan ko ipapa-cremate.

"Si YanYan [Marian], friend ko pa rin hanggang ngayon.

“Noong minsan, nagyayaya siya na magkita-kita naman daw kami, pero hindi nagkakatugma-tugma ang schedules namin.

“Parang gusto niya kaming makita bago yata mag-umpisa siyang maging busy.

"E, si Glaiza [de Castro] busy yata siya sa Encantadia.

“Mas masaya kasi kung kumpleto, e.

“Hindi kami natuloy, kasi hindi kami kumpleto."

WORKING WITH MAINE. Ngayon nga, si Maine naman ang ibe-best friend niya.

Masayang kuwento pa niya, "Si Maine naman, hindi ko naman ine-expect.

“Sabi nga ni Juancho [Trivino], 'Meron kaming Viber group ni Sheena, kaming dalawa lang.'

“Nakakatawa, Viber group, pero kaming dalawa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ni Maine, sama niyo naman ako.

“Sabi ko, 'Ay, teka muna, iisipin ko muna Maine, ha, kung isasama ka namin?'

“Ako yung admin, e. Pero siyempre, joke lang yun. So yun, siyempre naman, 'di ba?"

FEELING FOR KOREEN. Dahil halos karamihan talaga ng karakter na ginagampanan nga niya ay best friend ng bida, mas na-relieve ba siya ngayon na best friend siya at hindi third party na karakter na ginagampanan naman ni Koreen Medina.

Hindi pa man kasi sila umeere, sangkaterbang pamba-bash at hate na ang natatanggap ni Koreen.

Pag-amin niya, "Actually, alam mo, kaming lahat, naaawa kami kay Koreen.

“Pati si Maine din naman.

“Siyempre hindi na rin naman niya makontrol 'yan, pero naaawa siyang talaga.

"Sa set kasi, magkakaibigan talaga kami.

“Nagtsi-chikahan talaga kami.

“Lalo na si Maine, si Koreen, magkakasama kami sa tent.

"Actually, naiisip ko rin, bata pa si Koreen, unang sabak niya 'to.

“Very sweet siya na bata. Napakabait sa lola niya.

“Si Mamu ang tawag niya, nasa taping din namin.

"Siyempre, kung ako ang nasa lugar niya, 'di ba?"

Mas masaya ba siyang hindi third party ang role niya, lalo na bilang third party sa phemomenal love team na AlDub?

Aniya, "Oo naman! Nakakatakot talaga yung role niya.

“Masarap din maging best friend, pero yun nga, hindi ibig sabihin na best friend kami dito ni Maine, e.

“Yun nga, sabi ko nga, ligtas na kami sa pamba-bash."

Ayon pa kay Sheena, very protective daw kasi talaga ang mga fans.

“Lalo na nga ang mga fans nina Alden at Maine.

"Siyempre, very protective kasi sila, mahal na mahal kasi nila," saad niya.

BEST FRIENDS ON-CAM AND OFF. Umpisa pa lang, sinabi na raw niya na ayaw niyang makaramdam ng pressure na dapat, kahit off-cam, makitang best friends sila ni Maine.

Pero ilang taping days pa lang daw sila, natural na naging malapit na agad sila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga po noong unang interviews ko, walang dapat pilitin.

“Kung hindi kami magiging friends ni Maine, okey lang din naman.

"Basta kailangan lang na gawin namin ang trabaho namin.

“Lahat naman kami rito, nagtatrabaho.

“At hindi naman lahat ng nagkakatrabaho, kailangang super-duper friends.

"At natutuwa ako na naging magkakaibigan kami.

“Actually, ang saya. Ang saya talaga!

“Parang hindi buo ang week namin.

“Parang sanay na kami na M-W-F kaming nagkikita-kita.

"Noong minsang na-pack up ang taping namin, parang na-miss namin ang isa't isa.

“Parang, 'Uy, ano na ang chika? Hala! E, Friday lang na-miss na natin,'" natatawang kuwento niya.

READY TO BARE? Naging kapansin-pansin naman sa ginanap na presscon ang tila pagpapaseksi ni Sheena dahil sa kanyang suot.

May statement ba ang tila one piece swimsuit niya na sa pang-ibaba ay parang nakatapis lang siya?

"E, yung stylist ko, ito ang pinasuot sa akin," natawa niyang sabi.

"May sakit kasi ako," pabirong hirit pa niya.

May sakit pa siya ng lagay na yun?

"Swimming pool kasi sa labas. Hindi ko na alam ang sagot sa tanong," natatawa na lang na sabi niya.

Seryosong sagot din naman niya, "Wala, wala naman.

“Siguro mas open lang ako sa mga bagay-bagay ngayon."

WILLING TO POSE FOR MEN'S MAG? Sa isang banda, marami na rin Kapuso stars ang nag-pose nang sexy sa mga men's magazine.

Nangangahulugan ba na handa na rin siya sa ganitong career move?

"Hindi naman, hindi ko naman sinuot 'to para patunayan na willing na 'kong mag-pose.

“Wala, gusto ko lang ilabas.

“Gusto ko lang ilabas ang cleavage ko. Na baka mahuli ang lahat, maipakita ko na may cleavage ako," natawang hirit pa rin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN