Liza Soberano overwhelmed by box-office success of My Ex and Whys

IMAGE Noel Orsal

Liza Soberano (left) feels elated about the success of their latest movie, My Ex and Whys: "I'm just really overwhelmed. I didn't expect it. Actually, hiling lang namin, sana mas mataas lang nang kaunti sa last movie namin, but God gave us even more than that. I just want to thank everyone who watched, especially our solid fans."


Kumita ng 31 million pesos ang pelikulang My Ex and Whys at hanggang sa ngayon ay pinipilahan pa rin ito sa sinehan.

Pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa ilalim ng direksyon ni Direk Cathy Garcia-Molina, ito ang pangatlong pelikula na pinagtambalan nilang dalawa. Ang nauna nilang dalawa pang pelikula ay naging blockbuster din sa takilya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema One kay Liza kagabi sa launching niya bilang bagong ambassadress ng Titus Pens sa Trinoma activity center sa Quezon City, nagpasalamat ang aktres sa lahat ng sumuporta at tumangkilik sa kanilang pelikula.

Lahad niya, “I’m just really overwhelmed.

“I didn’t expect it.

“Actually, hiling lang namin, sana mas mataas lang nang kaunti sa last movie namin, but God gave us even more than that.

“I just want to thank everyone who watched, especially our solid fans.

“Sobrang dami naming gross on the first day.

“Talagang they put it together just for us.

“I just wanna say thank you guys so much.

“We love you.”

SICK. Dito nabanggit ni Liza na may sakit pala sa ngayon si Enrique at nagpapagaling.

Aniya, “Yes, he’s sick.

“He’s on nebulizer right now.

“I don’t know what he's sick of, pero nothing serious, I hope.

“Dalaw? Hindi, I’ve been busy with block screenings.

“Mayroon kami ngayon, sa Sunday and sa Monday.”

NEW PROJECTS. Tinanong namin si Liza kung may balak ba siyang magbakasyon o magpahinga ngayong hindi na masyadong hectic ang schedule niya.

“I wish, but I’m lucky because mayroon akong work agad.

“I’m gonna be working with a new soap, yung soap na sinasabi ko na kasama ako sa pilot episodes.

“And then mayroon na rin kaming pitching for upcoming soap, so malapit na kaming magkaroon ng idea about our new soap,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

V-DAY ADVENTURES. Sa premiere night ng My Ex and Whys ay napag-usapan na sa Cebu magba-Valentine sina Enrique at Liza para i-promote nila ang pelikula at tumuloy sa Italian restaurant ng pamilya ni Matteo Guidicelli para dun na rin mag-celebrate.

Hindi pala natuloy ang balak na ito ng dalawa, pero sa kabila nito ay may surpresa namang blue roses si Enrique for Liza na pinost ng aktres sa kanyang Instagram account.

Kuwento niya, “We were in Cebu.

“Nag-show kami sa SM Cebu and SM Seaside.

“We didn’t really get to celebrate kasi nagpunta kami sa hospital after that.

“We visited yung asawa ng cousin niya, so 'di kami masyadong nakapag-celebrate.

“Sa resto nila Matteo? Hindi, e.

“Kasi masyadong kapos sa time dahil sa flight namin.

“Yes, he gave me blue roses. Favorite color ko is royal blue.”

NO TIME FOR PAGEANTS. Sa isang interview ng ama ni Liza na si Mr. John Castillo Soberano, sinabi nito na gusto niyang sumali sa Bb. Pilipinas ang anak at maging isa itong beauty queen.

Bukas naman dito si Liza pero sa ngayon ay mas gusto niya munang mag-focus sa kanyang showbiz career at pag-aaral.

“I think it’s a father dream naman for her daughter na maging known worldwide as a beauty queen, but right now I just really wanna focus on my acting, my studies.

“I don’t think I will have time to commit to actually joining and to prepare and train for it,” pag-amin niya.

CONTINUING STUDIES. Nang kumustahin namin ang kanyang pag-aaral kung saan kasama niyang nag-enroll din si Enrique, kuwento ni Liza ay nagagawa niyang isingit pa rin ito sa kabila ng tapings at shootings.

Masaya niyang lahad, “I’m going to school.

“Medyo modular studies kasi siya.

“I wouldn’t think na kaklase but we’re taking the course at the same time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinisingit-singit in between schedules, pag taping pag nagbe-break.”

LGBT SUPPORT. Suportado at marami ang gumagaya kay Liza mula sa LGBT (Lesbian Gay Bisexual Transgender) community.

Ikinatataba naman ito ng puso ng aktres.

Sabi niya, “Nakakatuwa, I love the LGBT and I’m really happy I’m able to reach out to them as well.

“A lot of my friends are bekis, yung mga glam team ko, lahat sila.

“I really adore them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN