Phillip Salvador acquitted anew in estafa case filed by ex-lover Cristina Decena

IMAGE File

Halos sampung taon ang itinagal ng pangalawang estafa case na isinampa ni Cristina Decena laban sa dati nitong karelasyon na si Phillip Salvador. Pero bago pa man ibinaba ng korte ang desisyon ngayong araw, nagkapatawaran na raw ang dalawa. 


Acquitted muli ang aktor na si Phillip Salvador sa pangalawang estafa case na isinampa laban sa kanya ng dating partner na si Cristina Decena.

Ibinaba ni Judge Ma. Concepcion Billones ng Makati Regional Trial Court Branch 62 ang desisyon ngayong Lunes, February 20.


Bahagi ng nilalaman ng nasabing kautusan ang sumusunod: “WHEREFORE, for the failure of the prosecution to prove accused’s guilt beyond reasonable doubt, PHILLIP R. SALVADOR is hereby ACQUITTED of the crime charged.”


Ayon sa Facebook post ng News5 reporter na si Laila Chikadora ngayong umaga, halos sampung taon daw tumakbo ang kaso.

Ito ay kaugnay sa reklamo ni Cristina tungkol sa condominium unit na tinitirhan daw ni Phillip at ng kanyang asawa na si Emma Ledesma, sa may Pinnacle St., Mandaluyong City.

Ang bahay na ito rin ang tinirhan noon ng aktor at ng dati niyang nobya na si Kris Aquino.

Ayon pa sa post, bago pa man nagharap sa korte sina Phillip at Cristina, nag-usap na ang dalawa.

Pahayag ng abugado ni Cristina na si Atty. Ric Rivera, “Last week, that was the time na nag-usap sila and that was relayed to the lawyers.

"And, we as lawyers, nag-usap kami na pag-uusapan na lang namin kung paano gagawin ang modus o mode kung paano tatapusin ang kaso in a manner na that is acceptable to Ipe and Cristina."

“GOD IS GOOD.” Hindi na nagbigay ng panayam si Phillip sa media.

“God is good. Mag-move on na tayong lahat,” ang tangi lang nitong nasambit nang hingan ng reaksiyon matapos ibaba ang desisyon.

Ayon naman sa abugado ni Phillip na si Atty. Popoy Monsod, "He simply said, ‘Let us move on.’

"He is urging everybody to love one another, there is no hatred in his heart.

"He is thanking God that through a process he has been found innocent of a charge."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman daw si Cristina sa naging desisyon ng korte.

Sabi ni Atty. Rivera sa News5, “She was very happy about it and, in fact, nag-uusap kami.

"And she said, ‘Atty., this is what we wanted to happen. Hindi lang natin mapagdesisyunan how to arrive at this ending.'

"Pero the judge provided the ending, so be it! And this is what we wanted."


Ayon pa kay Laila, bago bumaba ng elevator, yumakap daw si Phillip kay Cristina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN