Pia Guanio confirms second pregnancy with sonogram post

IMAGE Noel Orsal / @piaguanio_mago on Instagram (inset)

Kinumpirma ni Pia Guanio na buntis nga siya sa kanilang pangalawang anak ni Steve Mago. Ginawa ng TV host ang pag-anunsiyo ng magandang balita sa pamamagitan ng Instagram ngayong araw, February 20. 


Enero ngayong taon ay biruan na sa Eat Bulaga! na buntis si Pia Guanio sa pangalawang anak nila ng asawang si Steve Mago.

Pero hindi pa ito kinumpirma ng TV host.

Ngayong Lunes, February 20, nag-post si Pia sa kanyang Instagram account ng kumpirmasyong nagdadalantao nga siya.

Ipinakita niya rito ang sonogram ng bata.

Bahagi ng kanyang caption: “Thank you Lord for being so gracious to us!!”

...and for this other gift!!!! @steevemago Thank you Lord for being so gracious to us!!

A post shared by Pia Guanio-Mago (@piaguanio_mago) on

Marami naman sa mga tagahanga ni Pia ang umaasang lalaki ang ipinagbubuntis niya dahil babae ang panganay nila ni Steve, ang 5-year-old na si Scarlet Jenine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN