Marc Abaya clarifies real score with Alessandra de Rossi

IMAGE Noel Orsal

Marc Abaya on real score with Alessandra de Rossi: "We're very good friends. I've known her for a very long time."


Pinabulaanan ni Marc Abaya, 37, ang espekulasyong may relasyon sila ni Alessandra de Rossi, 32.

Paglilinaw ni Marc, “We’re very good friends. I’ve known her for a very long time.”

Kaugnay ito ng Instagram photos nilang dalawa na kuha sa isang hindi pinangalanang beach noong nakaraang Disyembre.

Serious to.

A post shared by Alessandra De Rossi. EVER. (@alessderossi) on

 Nagpunta rin sila ng Singapore noong Nobyembre kasama ng ilang common friends.  

Excuse me. Busy kami. #singaFORCE

A post shared by Alessandra De Rossi. EVER. (@alessderossi) on

 

Ayon kay Marc, nagkatrabaho sila ni Alessandra sa GMA primetime soap na Ang Dalawang Mrs. Real noong 2014.

Noong panahong iyon ay bigla raw niyang naalala na nagkatrabaho na rin sila ni Alessandra sa isang teleserye ng ABS-CBN noong 2010.

Dugtong ng Kjwan lead vocalist, “She couldn’t remember that we had worked in the past.

“After Mrs. Real, she invited me to sing with her, then we made a music video.”

Mula noon ay naging malapit na raw sila ni Alessandra.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marc sa presscon ng GMA afternoon soap na Legally Blind, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, noong Pebrero 11.

Dito ay diretsahang tinanong si Marc kung tingin niya ay may posibilidad na maging sila ni Alessandra.

Sagot ng Kapuso actor, “Sa ngayon, busy siya, e.

“I think our relationship as friends is wonderful. I’ve always been a fan of Alessandra.”

Puro papuri ang ibinigay ni Marc nang ilarawan niya si Alessandra.

“There is only one Alessandra. She is the most interesting, kindhearted, gentle... I don't know. She’s like a collage.

“I love her very much. She’s very beautiful.”

Ano ang masasabi niyang marami sa kanilang Instagram followers ang nagsasabing bagay sila?

Nakangiting sagot  ni Marc, “It’s very, very cute. And I think she finds it cute too.”

Sa ngayon ay single at wala raw karelasyon si Marc.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN