New MTRCB head Rachel Arenas reacts to appointment of Mocha Uson as board member

IMAGE Facebook

Her family is known for philanthropic works, a legacy that has been passed on to MTRCB Chairperson Rachel Arenas. While she is not about to stir things up in the agency, she hopes to include charity projects in its agenda during her term.


Dalawang linggo pa lang ang nakararaan mula nang maupo si Rachel Arenas bilang bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa kasalukuyan, wala pa raw siyang nakikitang dapat baguhin sa ahensiyang itinalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag niya, "Ang gusto ko lang na in this term of mine… unang-una, sabi ko, sana magkaroon ng charity ang aming ahensiya.

“Pangalawa, gusto ko sana, kung may babaguhin sa Saligang Batas, magawa namin during my term.

"Pero yun pong mga na-implement noong mga nakaraan, alam kong napag-aralan siyang mabuti at in-implement nang maganda.

“I respect the wisdom of the previous board and the previous chairperson."

Pinalitan ni Arenas bilang MTRCB chairman si Atty. Toto Villareal.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters ang bagong chairperson ng MTRCB sa Annabel's Restaurant noong February 14.

MOCHA USON. Bilang MTRCB head, maaari raw siyang mag-recommend, pero hindi siya ang namimili sa board members ng ahensiya.

Ano ang masasabi niya sa pagkakatalaga ng kontrobersiyal na si Mocha Uson bilang board member ng MTRCB?

Base sa reaksiyon ng netizens, marami ang tila hindi pumabor dito.

Pahayag ni Arenas, “Siyempre, meron din siyang sariling opinion and everyone naman has the right to their opinion.

“Ang sa amin lang sa board, gaya nga in my first board meeting, sana magkaisa kami sa mga desisyon.

"And I believe naman na kung may rason naman, maiintindihan din ni Mocha. 

“I believe naman na she's mabait at lahat naman puwedeng pag-usapan, wala namang kailangang pag-awayan.

“It's a small agency, it hasn't been controversial the past years, I want it to remain that way and I'm hoping that it remains that way."

Tulad niya, taga-Pangasinan din si Mocha, pero ngayon lang daw niya ito nakilala.

WHO IS RACHEL ARENAS? Si Rachel Arenas ay anak ng socialite at dating Pangasinan representative na si Baby Arenas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aware din daw siyang marami ang nagulat sa pagkakatalaga sa kanya bilang MTRCB chairperson.

Saad niya, “Actually, a lot of people really don't know me because most of them just know my mother.

“They always say, ‘Anak ni Baby Arenas 'yan.’

"But I'm also proud to say that as a public servant, I've served almost a decade in the third district of Pangasinan.

"Kahit paano, nasasabi na, ‘Mommy ni Rachel 'yan,'" nakangiti niyang biro.

Si Arenas ay miyembro rin ng Board of Governors ng Philippine Red Cross.

Patuloy pa niya, “Prior to my being congresswoman, I have always been and I've worked with three Presidents… this would be my fourth President.

"I'm also in a lot of charitable projects, from my grandmother now to my mother, I have always been involved. 

“Yung appointment ko, actually my name came out months ago and nagulat din ako.

“Actually, I'm very grateful, it’s always a privilege to work with a President, more than anything else.”

Single ang bagong chairperson ng MTRCB.

FAMILY TIES. Naitanong din sa kanya kung ano ang relasyon niya kay Pangulong Duterte at kung gaano siya kalapit dito.

Tugon niya, "I can say that my parents go a long back with the President.

“Ako naman po, itong the past two or three years, I've always worked with him in usually my local trips.

“Sa aking trabaho po sa Red Cross, ako po ang nag-iikot sa mga chapters all over.

"The past election, palagi po kaming nagkikita and I could say na meron po kaming history, yung pamilya ko at si President Duterte."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN