MTRCB head Rachel Arenas refutes Mocha Uson's claim against fellow board members

IMAGE Screengrab from Facebook video of Mocha Uson (left)/Twitter photo of MTRCBgov

While MTRCB Chairperson Rachel Arenas respects board member Mocha Uson's decision to use her video blog to inform the public about complaints on two ABS-CBN programs, she also said, "Sa akin po, ang ideal po sa akin ay mapag-usapan sa board meeting."


Magkakaroon ng pagpupulong ang adjudication committee ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) bukas, February 21.

Ito ay kaugnay ng inirereklamo ng followers ni Mocha Uson na diumano’y malalaswang eksenang ipinalabas sa February 11 episode ng Ipaglaban Mo at pilot episode ng The Better Half noong February 13.

Ang parehong programa ay ipinalabas sa ABS-CBN.

Sa panayam ng programang Showbiz Talk Ganern ng dzRH kay MTRCB chairperson Rachel Arenas ngayong gabi, February 20, sinabi niyang nakarating na sa kanilang tanggapan ang mga reklamo sa pamamagitan ng video blog ni Mocha noong February 17.

Dahil dito, ni-review ng kanilang mga miyembro ang episodes ng Ipaglaban Mo at The Better Half at napagdesisyunang pag-usapan ang isyung binanggit ni Mocha.

Ayon kay Arenas, kadalasan ay dumadaan muna sa komite ang mga reklamo para mapag-usapan.

Aniya, “We act on it po right away kasi mayroon naman po kaming tinatawag na adjudication committee.

“Yung 30 members na yun, we’re a collegial body.

“So, kung meron mga issues na dapat pag-usapan, usually po in the past, nagkakaroon po tayo ng majority consensus.”

Sa pagkakataong ito, hindi raw napag-usapan sa nakaraang board meeting ang isyu dahil hindi nakadalo ang bagong board member na si Mocha.

Ani Arenas, “Noong nakaraan pong board meeting… hindi po na-bring up yan noong meeting last Wednesday.

“Wala rin po si BM Uson noong panahon na yun, so ngayon ko lang din po nababasa, kaninang umaga, yung lumabas sa blog ni BM Uson.”

 

Nang tanungin kung totoong hindi dumaan sa review ang episode ng weekly docu-drama na Ipaglaban Mo, sagot ni Arenas, “Tiningnan ho nila based on the complaint.

“That’s why mayroon pong observations yung nag-review na parang hindi rin nila nagustuhan kaya dadalhin sa adjudication committee.

“Yun pong sa The Better Half, na-review po yun and we’re going to do a conference with them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw pa niya, “Alam niyo po, yung board members natin, e, it takes a lot of commitment and dedication.

“Para lang po malaman ng mga nakikinig sa atin, halos 8 to 8, 15 hours po ang nagre-review na mga board members.

“So, kung sino po ang naka-assign sa araw na ‘yan, sila po ang nagre-review. Hati-hati po sila ng mga nire-review na TV shows.”

RATING, NOT CENSORSHIP. Pagdating naman sa akusasyon ni Mocha na inaabuso ng TV networks ang paggamit ng Strong Parental Guidance (SPG) rating, ipinaliwanag ni Arenas, “Yung SPG po na sinasabi, that was implemented 2011.

"Hindi pa ako ang chairman noon, pero dumaan siya sa proseso rin.

“It’s really actually to educate the viewers.

“Yung parameters po kasi ng PG, may limitation yun.

"Beyond that, wina-warn na po natin ang parents, na ito huwag na natin ipanood o kailangan talagang nakatutok kayo sa mga anak ninyo para maeksplika ninyo.”

Diin pa niya, “It’s really to educate the viewers. Hindi naman po tayo nagse-censor. We classify and we rate.

“So, minsan nagkakaroon ng episode na sila [networks] na po mismo ang automatically ang nag-e-SPG. Nagse-self-regulate na po sila.

“Pero yung sinasabi ni BM Mocha, we’re taking it seriously.

“Napag-usapan na ho yan ng ibang members that’s why there will an adjudication for Ipaglaban Mo and conference for The Better Half.


Stories We Are Tracking

Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog
Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog
Ogie Diaz slams Mocha Uson on charges in her video blog
Ogie Diaz slams Mocha Uson on charges in her video blog

PROPER DECORUM. Bagamat nirerespeto ni MTRCB chair Arenas ang pagbibigay ng opinyon ni Mocha sa pamamagitan ng video blog, sinabi niyang sana ay dumaan din sa tamang proseso ang reklamong nakuha ng bagong miyembro ng board member.

Nang tanungin kung tama ang ginawa ni Mocha na isapubliko muna ang reklamo bago pag-usapan ng board members, sagot ni Arenas, “Well, in the past years, it’s always na pinagdedebatehan sa board meeting. Inaayos o binabago, then there’s always one voice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Collegial body nga po kasi kami kaya laging may consensus.

“Ngayon po, nabanggit ko rin noong first board meeting namin noong Miyerkules, siyempre, we’re open always.

“Kasi, diverse nga po ang board members namin kaya magkakaroon at magkakaroon ng iba’t ibang pananaw.

"But, at the end of the day, we always abide by the law and what’s best for the viewers."

Nang muli siyang tanungin sa ginawa ni Mocha na video blog, tugon ng MTRCB chair, “Sabi nga niya sa blog niya, nobody can’t stop her for posting what she feels.

“Hindi ko pa alam at hindi ko pa natatanong ang ibang board members kung ano ang reaksiyon nila doon.

“Sa akin po, ang ideal po sa akin ay mapag-usapan sa board meeting.

"Kasi, yung last na two board meetings namin, usually naka-agenda naman ang mga reklamo, and pinadedebatehan, mas ideal sana ang ganun.”

Dagdag na paglilinaw pa ni Arenas, “That’s really been the practice and that’s also the ideal.

“Siyempre po, we represent the Office of the President, so we follow certain decorum also.

“Yun po yung ideal, that’s been the practice and I want to continue that practice.

“Kasi siyempre, gusto ko rin bigyan ng respeto yung opinyon ng bawat board member at maaksyunan ang lahat ng kanilang hindi nagugustuhan o ang gustong pagbabago.

“Hindi naman ganun kalaki ang ahensiya namin at hindi rin naman ganun karami ang empleyado. We’re like one family.

“So, open tayo sa mga views, open tayo sa pagbabago.

“Then, at the end of the day, kung mag-away-away tayo doon, magsigawan man tayo doon, at the end of the day, we reached a consensus.

“Siguro sa lahat ng organisasyon, ganun din ang practice nila.”

OPEN TO CHANGES. Samantala, tila pinabulaanan naman ni Arenas ang akusasyon ni Mocha na may ilang MTRCB board members ang hindi bukas sa pagbabago, partikular na ang mga appointee ng nakaraang administrasyong Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Arenas, na itinalaga bilang MTRCB chair noong nakaraang buwan, “Wala akong kilala sa kanila personally.

"Pero sa pagkakilala ko sa kanila, halos dalawang linggo pa lang po ako diyan, open naman po sila sa mga suggestion.

“Kung mayroon namang mga gustong i-raise sa board meetings, siguro kung talagang may dahilan, I’m sure they will all adhere to change."

Dagdag pa niya, “So, sa tingin ko, sa sandaling pagkakakilala ko sa kanila, they’re very open naman.

“Actually, ako, tinatanong ako palagi.

"Noong pagkaupo ko bilang chairperson, tinanong ho nila ako kung ano ang gusto kong pagbabago.

"E, dahil halos wala pa po akong isang linggo, sabi ko, ‘Siguro in the weeks or months to come, if there’s something that needs to be changed then, we’re going to do it.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN