MTRCB chair Rachel Arenas on Mocha Uson's threat to resign: "Sana hindi na lang umabot sa ganun."

IMAGE Facebook photo of Mocha Uson Blog

"Sa akin na lang, sana hindi na lang umabot sa ganun," says MTRCB chair Rachel Arenas on Mocha Uson's threat to resign as its board member. 


Kung ang bagong-talagang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson na si Rachel Arenas ang tatanungin, ayaw sana niyang umabot pa sa pagbibitiw sa puwesto ni Mocha Uson ang isyu tungkol sa pagbabago sa kanilang ahensya.

“Actually, siyempre, kung sino po ang nag-appoint sa amin, siya rin po ang tatanggap [ng resignation].

“Sa akin na lang, sana hindi na lang umabot sa ganun,” sabi ni Arenas sa panayam sa kanya ng Showbiz Talk Ganern program ng dzRH nitong Lunes ng gabi, February 20.

Sa video blog ni Mocha noong February 17, nabanggit ng dating sexy star na mas mabuti pang mag-resign na lamang daw siya kung hindi niya maibibigay ang pagbabagong ipinangako niya sa publiko nang maging board member siya ng MTRCB—ang pagtanggal ng mga malalaswang eksena sa telebisyon.

Ilang followers niya ang nagpaabot ng reklamo sa kanya tungkol sa diumano’y malalaswang eksenang ipinakita sa February 11 episiode ng Ipaglaban Mo at pilot episode ng The Better Half noong February 13.


Stories We Are Tracking

Ogie Diaz slams Mocha Uson on charges in her video blog
Ogie Diaz slams Mocha Uson on charges in her video blog
Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog
Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog

Kaugnay ng pagpapaliwanag niya sa nais niyang pagbabago, nabanggit ni Mocha na hindi ito madaling gawin dahil isa lamang siya sa 30 board members sa MTRCB.

Idiniin din niyang may ilang miyembro, na diumano’y galling pa sa nakaraang administrasyon, ang hindi bukas sa pagbabagong iminumungkahi niya.

Sabi ni Mocha, “Kung di natin makukumbinsi ang mga board members na pigilan itong malalaswang eksena sa telebisyon, e, magre-resign na lang po tayo.”

DIFFERENT OPINION. Para naman kay MTRCB chair Arenas, kailangang maging bukas ang board members sa opinyon ng bawat isa.

Aniya, “Sabi ko nga sa inyo, kahit tayo may iba-ibang opinyon. Pero lahat naman ho mayroong pwedeng solusyon.

“Pero kung Malacañang sees it fit… Kami ho is serving the pleasure of the president.

“Kagaya nga ng sinasabi ko, I’m always thankful for the trust. It’s always a privilege to work with him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kung ano ang mensahe niya para kay Mocha, sabi ni Arenas, “Well, sa akin naman, kay BM Uson, nandito lang ho ako.

“If you want to see me and discuss the changes that you want, I’m very open to that.

“At the same time, gusto ko sana na tayong lahat magkasundo din.

“Ayaw kong magkaroon ng parang divide with the old and the new board kasi, siyempre, isa lang naman po ang president natin at lahat tayo kailangang sumuporta sa kanya, e.”

Samantala, sa panayan ng dzRH kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, sinabi niyang malaya si Mocha na gawin ang pagbibitiw kung gusto niya.

Aniya, “I’m not sure about the issues involved.

“But if she feels that she needs to quit, then she is free to do so. 

“But as far as I know, she still said that she would be continually supporting the President in whatever capacity that she has.”

Opisyal na naging board member ng MTRCB si Mocha noong January 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN