Edgar Allan Guzman hits back at Mocha Uson for calling his work "basura"

IMAGE Noel Orsal

Binuweltahan ng aktor na si Edgar Allan Guzman ang sinabi ni MTRCB board member Mocha Uson na "basura" ang ginawa niyang episode ng Ipaglaban Mo dahil sa rape scene dito. Sabi ni Edgar Allan kay Mocha, "Itataya ko ang munti kong pangalan sa industriyang ito na mas maayos naman ang episode namin sa IPAGLABAN MO kaysa sa mga pelikula mong BUTAS 2 (2012) at SEKSING MASAHISTA (2011)."


Umalma ang aktor na si Edgar Allan Guzman kaugnay ng naging pahayag ni Mocha Uson laban sa episode ng drama anthology ng ABS-CBN na Ipaglaban Mo noong February 11 na pinamagatang "Abuso."

Si Mocha ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga bagong board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Si Edgar Allan naman ang isa mga bida ng nasabing episode ng Ipaglaban Mo, katambal si Shy Carlos.

Sa kanyang video blog noong Biyernes, February 17, binigyang pansin ni Mocha ang reklamo diumano ng followers niya tungkol sa maseselang eksena sa episode ng Ipaglaban Mo noong February 11 at ang pilot episode ng afternoon drama series na The Better Half.

Tinawag ni Mocha na mga "basurang programa" ang dalawang drama shows na ito na parehong napapanood sa ABS-CBN.

Nagbanta pa ang avid supporter ni Pangulong Duterte na magbibitiw sa kanyang puwesto kung hindi niya matutupad ang pangakong tanggalin ang mga malalaswang eksena sa telebisyon.

Pahayag ni Mocha: “Kung di natin makukumbinsi ang mga board members na pigilan itong malalaswang eksena sa telebisyon, e, magre-resign na lang po tayo.

“Hindi ko po maaatim na tanggapin ang buwis ninyo, ang ibinabayad sa aking suweldo.

“Tapos hahayaan ko lang po na patuloy lang itong mga basurang programang ito na ipinapalabas sa mga TV networks para kumita lang sila.

“Wala na po akong silbi diyan sa MTRCB.”


Stories We Are Tracking

Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog
Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog
Ogie Diaz slams Mocha Uson on charges in her video blog
Ogie Diaz slams Mocha Uson on charges in her video blog
MTRCB head Rachel Arenas refutes Mocha Uson's claim
MTRCB head Rachel Arenas refutes Mocha Uson's claim
MTRCB chair Arenas reacts to Mocha Uson's threat to resign
MTRCB chair Arenas reacts to Mocha Uson's threat to resign

EDGAR ALLAN CRIES FOUL. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post nitong Lunes ng gabi, February 20, inalmahan ni Edgar Allan ang mga binitawang salita ni Mocha, partikular na laban sa kanilang palabas.

Ang Ipaglaban Mo ay isang long-running drama anthology na tumatalakay sa actual legal cases na isinasadula para sa telebisyon.

Ang tinampukang episode nina Edgar Allan at Shy sa Ipaglaban Mo ay tumalakay sa isang kaso ng rape at naglalaman ng eksena ng rape.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buwelta ni Edgar Allan kay Mocha, "Mawalang galang na po MOCHA, kilala mo ako simula pa noong nagkatrabaho tayo sa TV5.

"Hindi ko matanggap na sabihin mong BASURA ang pinaghirapan naming episode ng IPAGLABAN MO."

Hindi magustuhan ng aktor ang paggamit ni Mocha sa social media upang ilabas ang kanyang disgusto laban sa kanilang programa, gayong dapat daw ay idinaan ito sa tamang proseso bilang miyembro ang dating sexy star ng MTRCB.

Saad ni Edgar Allan, "Kung mayroon kang reklamo ukol dito, dumaan tayo sa tamang proseso.

"May due process sa mga reklamo sa MTRCB - at bilang Board Member, mas maganda kung pag-uusapan ito nang maayos, hindi yung nanlilibak at nagwawala ka na sa social media blog mo.

"Mabuti pa ang MTRCB Chairman ninyo na may itinakdang pagpupulong tungkol dito bukas at hindi yung nag-iingay ka na agad."

Sa huling bahagi ng kanyang post, pinatamaan ni Edgar Allan ang mga proyektong ginawa noon ni Mocha bilang isang artista.

"At sa huli't huli, itataya ko ang munti kong pangalan sa industriyang ito na mas maayos naman ang episode namin sa IPAGLABAN MO kaysa sa mga pelikula mong BUTAS 2 (2012) at SEKSING MASAHISTA (2011)."

Sabi pa ng Kapamilya actor, "Please konting RESPETO naman sa mga artistang Pilipino at oo, RESPETO rin sa tamang proseso bilang concerned na mamamayang Pilipinong nasa poder ngayon."

Nilagyan pa niya ito ng mga hashtag na #Respeto #HindiBasuraAngGinawaKo #UmayosKaMocha

Mawalang galang na po MOCHA, kilala mo ako simula pa noong nagkatrabaho tayo sa TV5. Hindi ko matanggap na sabihin mong BASURA ang pinaghirapan naming episode ng IPAGLABAN MO. Kung mayroon kang reklamo ukol dito, dumaan tayo sa tamang proseso. May due process sa mga reklamo sa MTRCB - at bilang Board Member, mas maganda kung pag-uusapan ito nang maayos, hindi yung nanlilibak at nagwawala ka na sa social media blog mo. Mabuti pa ang MTRCB Chairman ninyo na may itinakdang pagpupulong tungkol dito bukas at hindi yung nag-iingay ka na agad. At sa huli't huli, itataya ko ang munti kong pangalan sa industriyang ito na mas maayos naman ang episode namin sa IPAGLABAN MO kaysa sa mga pelikula mong BUTAS 2 (2012) at SEKSING MASAHISTA (2011). Please konting RESPETO naman sa mga artistang Pilipino at oo, RESPETO rin sa tamang proseso bilang concerned na mamamayang Pilipinong nasa poder ngayon. #Respeto #HindiBasuraAngGinawaKo #UmayosKaMocha

A post shared by EA Guzman (@ea_guzman) on

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN